Air Defense Identification Zone?
NAGPAPASALAMAT tayo sa China para sa kanilang malaking tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang kanilang pinansiyal na tulong, at ang paglayag ng kanilang hospital ship patu-ngong Tacloban para matulungan ang mga may sakit at nasaktan. Sigurado ako na malaÂking pasasalamat ang handog ng mga biktima ng bagyo.
Pero sa kabila ng kanilang pagtulong sa bansa, may bagong kabanata sa patuloy na pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan sa Asya. Nagtayo ng isang Air Defense Identification Zone(ADIZ) ang China sa East China Sea, kung saan kiÂnakailangan ng lahat ng eroplaÂnong papaÂsok sa nasabing sona na magpakilala, magbigay ng kanilang flight plan sa kanilang mga otoridad. Kung hindi raw susunod sa kanilang bagong patakaran, karapatan na raw nilang umaksyon at paglabag daw ito sa kanilang soberenya. Ang nasabing sona ay sakop ang dalawang isla na pinagtatalunan nila ng Japan, at malapit rin sa isla ng Taiwan. Sa madaling salita, hindi na nirespeto ang mga airspace ng Japan at Taiwan. Sakop ng bagong patakaran ang mga komersyal na eroplano, na noon ay hindi naman obligadong gawin.
Natural na uma-ngal ang Japan, na sinundan ng Amerika. May lumipad na ngang dalawang war planes ang Amerika sa nasabing sona, pero wala namang aksyong ginawa ang China. Ang Taiwan ay apektado rin ng ADIZ, dahil napakalapit nila sa China. Binatikos din nang maraming bansa sa Asya ang ADIZ, at sinasabing hindi mapapatupad ito nang walang magaganap na gulo. Nagpahayag na rin ng pangamÂba ang gobyerno na unti-unting inaangkin ng China ang buong karagatan, pati na rin ang himpapawid.
Napakahirap basaÂhin ng China. Sa isang dako, nag-aalay ng kinaÂkailangang tulong, sa isa naman, inaangkin ang isa sa sinasabing pitong dagat ng mundo. Masaya ang mga natulungan sa Tacloban, nanga-ngamba naman ang mga nasa gobyerno. Matinding diplomasya ang kakailanganin para mailayo ang mitsa ng sitwasyon, kung saan isang pagkakamali ay puwedeng magsilbing kislap para sumabog ang rehiyon. May mga barko pa ang Amerika sa rehiyon, galing sa kanilang pagtulong sa bansa. Pinalayag naman ng China ang kanilang aircraft carrier sa West Philippine Sea. Huwag lang sana masilayan ang isa’t isa, at baka kung ano pang sabong ang maganap! Sana mag-isip din ang China. Kung maraming bansa ang umaangal, hindi ba’t tama lang na huwag nang ipatupad?
- Latest