MALAKI ang posibilidad na maabuso at mapagsamantalahan ang mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad sa Visayas region.
Sa paghagupit ng bagyong Yolanda, marami sa mga calamity survivor ang nagdesisyong umalis muna sa kanilang lugar.
Ang nangyaring delubyo ay nagdulot nang matinÂding trauma at “bangungot†na mahirap nilang makalimutan.
Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas, patuloy ang rescue operations ng Department of Social Welfare and Development at iba pang mga organisasyon sa mga apektadong residente.
Pansamantala silang tutuloy at maninirahan sa “tent city†sa Villamor Airbase. Layunin ng pamahalaan na maibsan kahit papaano ang mapait nilang karanasan.
Subalit, ang tulong ng pamahalaan ay hindi sapat sa lahat ng kanilang mga pangangailangan.
Sa ganitong kalagayan, nanganganib sila na mapagsamantalahan ng mga oportunista sa pamamagitan ng cheap labor o pagpapatrabaho kapalit ng mura at hindi angkop na upa.
Sa halip na tulungan ang mga biktima ng kalamidad, sila pa ang naglulugmok sa kanila sa kumunoy ng kahirapan.
Ang mas nakakabahala pa sa puntong ito ay ang pananamantala ng mga masasamang-loob at sindikato.
Gagamitin sila sa krimen. Pagagaanin ang kanilang kalooban at ipakikita kung paano kumita ng pera sa mabilis na paraan.
Sa layuning malamanan ang kumakalam na sikmura, ang biktima na kapos sa kaalaman sa ganitong modus, walang kaalam-alam na krimen na ang itinuturo at ipinagagawa sa kanila.
Sa masigasig na rescue operations ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at sektor sa lipunan, dapat ipraÂyoridad din ang pagbibigay kaalaman sa mga evacuee hinggil sa mga nagbabantang kapahamakan bago pa man sila tumuloy sa pansamantala nilang tirahan.