^

PSN Opinyon

Kapit sa patalim

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang posibilidad na maabuso at mapagsamantalahan ang mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad sa Visayas region.

Sa paghagupit ng bagyong Yolanda, marami sa mga calamity survivor ang nagdesisyong umalis muna sa kanilang lugar.

Ang nangyaring delubyo ay nagdulot nang matin­ding trauma at “bangungot” na mahirap nilang makalimutan.

 Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas, patuloy ang rescue operations ng Department of Social Welfare and Development at iba pang mga organisasyon sa mga apektadong residente.

Pansamantala silang tutuloy at maninirahan sa “tent city” sa Villamor Airbase. Layunin ng pamahalaan na maibsan kahit papaano ang mapait nilang karanasan.

Subalit, ang tulong ng pamahalaan ay hindi sapat sa lahat ng kanilang mga pangangailangan.

Sa ganitong kalagayan, nanganganib sila na mapagsamantalahan ng mga oportunista sa pamamagitan ng cheap labor o pagpapatrabaho kapalit ng mura at hindi angkop na upa.

Sa halip na tulungan ang mga biktima ng kalamidad, sila pa ang naglulugmok sa kanila sa kumunoy ng kahirapan.

Ang mas nakakabahala pa sa puntong ito ay ang pananamantala ng mga masasamang-loob at sindikato.

Gagamitin sila sa krimen. Pagagaanin ang kanilang kalooban at ipakikita kung paano kumita ng pera sa mabilis na paraan.

Sa layuning malamanan ang kumakalam na sikmura, ang biktima na kapos sa kaalaman sa ganitong modus, walang kaalam-alam na krimen na ang itinuturo at ipinagagawa sa kanila.

Sa masigasig na rescue operations ng  iba’t ibang sangay ng pamahalaan at sektor sa lipunan, dapat ipra­yoridad din ang pagbibigay kaalaman sa mga evacuee hinggil sa mga nagbabantang kapahamakan bago pa man sila tumuloy sa pansamantala nilang tirahan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GAGAMITIN

LAYUNIN

MAHIGIT

PAGAGAANIN

PANSAMANTALA

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with