May ugali tayong mga Pilipino
Na kinikilala saan man sa mundo;
Pero nalimutan nang maraming tao
Dahil kay “Yolanda†malakas na bagyo!
Ito’y Bayanihan – nalimutan yata
Ng mga opisyal ng bayang salanta;
Hindi naman lahat sa bagyo ay dapa
Mayors at konsehal dapat kumalinga!
Ang barangay chairmen at mga kagawad –
Mga kapitbahay, taong naglalakad;
Dapat ay sinuyong maglinis ng kalat
At ang mga patay ilibing na agad!
Dapat ay kumilos ang local officials –
Mga kababayang malakas pa naman ;
Ay hinimok nila na magbayanihan –
Walang magugutom, walang kaguluhan!
Unang araw pa lang na wala nang bagyo
Dapat balikatan ginawa ng tao;
Huwag nang hintayin tulong ng gobyerno
Pagka’t sila roon sa pera’y tuliro!
Anumang dahilan ng gobyerno natin
Malalayong pook ay dapat narating;
Ang school officials military natin
Sa sakunang ito’y dapat kumilos din!
Sa TV at radyo’y abala si P-Noy
Mga kawaksi n’ya’y talagang mapurol;
Mga Amerkano’t taga-ibang nasyon
Ang naghatid agad – pagkain at tulong!