NABABAHALA ang mga awtoridad sa naglipanang frozen at processed meat products sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad partikular sa Metro Manila.
Nasaksihan ng buong mundo kung paano winalis ng bagyong Yolanda ang rehiyon ng Visayas ilang araw na ang nakalipas. Apektado ang buong rehiyon. Nasalanta at matinding naapektuhan ang mga residente at mga lokal na hanapbuhay lalo na ang sektor ng agrikultura.
Nitong nakaraang araw, nagbabala ang Food and Drug Administration at National Meat Inspection Services sa mga carcass meat o mga karne ng patay na hayop.
Napapabalita kasi na dala ng kakulangan sa pagkain at mabagal na usad ng mga relief goods,ang ibang mga nasalanta ng bagyo napipilitan na lang kumain ng mga carcass meat.
Ayon sa FDA at NMIS, malaking panganib ang nagbabanta sa kalusugan ng tao sakaling makakain ng mga “dead meat†kahit sumailalim pa ito sa proseso at pagluluto.
Subalit, ang higit na nakakabahala ngayon ay ang mga oportunista at mapagsamantala sa pagkakataon para magkapera at kumita.
Kinakatay nila ang mga nagkalat na patay na hayop. Pero. hindi para ipakain sa kanilang pamilyang nangaÂngalam ang sikmura kundi para ibenta at pagkakitaan.
Ipino-proseso nila ang mga karne ng patay na hayop gamit ang mga food preservative, food color, additives o mga pampalasa at iba pang mga food seasoning.
Maliit ang porsyento na ilako nila ito sa mga naapektuhang lugar at sa mga karatig-probinsya.
Kaya ang kanilang ginaÂgawa, dadalhin ang mga proÂdukto sa lungsod tulad sa kalakhang Maynila at sa mga night market kung saan dagsaan ang mga mamimili. Pagdating sa lungsod, dahil sa mabangong amoy at magandang packaging o presentasyon ng mga produkto, ang mga parukyano kanya-kanya namang dumog.
Walang kamalay-malay na ang mga binibiling frozen at processed meat products, gaÂling pala sa patay na hayop.
Paalala ng BITAG sa mga ginang at sa mga bumibili ng iba’t ibang meat products, mag-ingat sa mga nakalatag na produkto sa mga pampublikong pamilihan.
BABALA sa mga nasa lugar na tinamaan ng kalamidad, sakaling may alam kayo o may matiyempuhang nagbebenta ng mga karne mula sa mga carcass o patay na hayop, ‘wag mag-aatubiling isumbong ninyo agad sa amin para matuldukan ang kanilang pananamantala.