‘Crime buster’ ng Maynila

CAMPAIGN promise ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada bago mahalal na Mayor ang pagsugpo sa talamak na krimen sa lungsod. Kaya hindi siya puwedeng mabigo sa kanyang pangako.

Kahit saang dako, mahirap matamo ang  zero crime rate. Pero malaking bagay kung ito man lang ay mabawasan nang malaki na ayon sa mga Manileño ay nararamdaman na nila sapul nang maupo si Erap. Ang sikreto ng alinmang maunlad na lungsod ay peace and order.  maibalik ang “old glory” ng premiere city ng bansa.

 Itinalaga ni Mayor Erap ang kanyang  pinagkakatiwalaang police aide na nagsilbi sa kanya para pamunuan ang Manila Action and Special Assignment (MASA).  Tatlong taon ba namang naging malapit sa kanya eh, palagay ko alam ni Erap ang kalibre at kakayahan ng taong ito.

Ang tinutukoy natin ay si Police Chief Inspector Benier Irinco, Jr.  Ang marching order niya ay: Tumulong sa pagsugpo ng krimen sa lungsod, mula sa mga karaniwang krimen sa lansangan hanggang sa mga tinatawag na high-end crimes.  Partikular na iniutos sa kanya ng Mayor na idepensa ang mga mahihirap na inaabuso ng awtoridad kagaya ng tinatawag na “kotong cops”.  Kaya “MASA” ang acronym ng task force.  Ito ay kahalintulad ng pamosong“Flying Squad” ni noong panahon ng na­sirang Alkalde Arsenio Lacson maraming dekada na ang nakaraan. 

Palagay ko hindi papalya si Erap sa kanyang adhikain. May kasanayan si Irinco sa ganyang gawain. Dati siyang namuno sa anti-illegal drug sa Malabon sa ilalim ni Rep. Toby Tiangco. Nagtraining siya sa PNP Special Task Force at iba pa.  Mahalagang nasa kanya ang tiwala ni Mayor Erap.

Tungkulin ni Irinco ang pa­ngangalaga sa peace and order na priority program ni Mayor.

Sa loob ng 6 na buwan, unti-unti na niyang naisasagawa ito.  Buma­baba ng malaking porsyento ang crime rate lalo na sa university belt.Marami nang napa­arestong mga kriminal si Irinco at nasasampahan ng kaso alinsunod sa kanyang mandato at tuwang-tuwa naman si Erap.

Sige lang Chief Inspector­ at marami ang umaasa na matutuldukan nang ganap ang mga katiwalian ng mga pulis gaya ng pango­ngotong.

 

Show comments