ISINUSULONG ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtitiyak ng libreng gamot sa mga maralita, sa pamamagitan ng kanyang inihaing Senate Bill 1302, o An Act Requiring Local Governments to Earmark a Portion of their Internal Revenue Allotments (IRA) for Free Medicines to Indigent Patients in their Localities.
Aniya, lubhang nakalulungkot na marami sa mga kababayan na maysakit, laluna yung malubha ang konÂdisyon, ang hindi nakakayanang bumili ng kailangan nilang gamot.
“Poverty is depriving many indigent patients of the rare opportunity of medical advancement and recent discoveries on cure of diseases because the medicines are hardly affordable and far from the indigent patient’s reach,†dagdag niya.
Ang IRA ng mga LGU aniya ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng pondong magagamit sa pamamahagi ng libreng gamot sa mga maralita.
Alinsunod sa panukala, “It shall be the obligation of all local governments to set aside and earmark a portion of their IRA for appropriation for free medicines to be distributed to indigent patients in their localities thru public hospitals, clinics, dispensaries or other outlets… Indigent patients are those who have no visible means of income or whose income is insufficient for the subsistence of his or her family as identified by the local social welfare departÂment… and confirmed by the officials of the baÂrangay where the indigent patient resides.â€
Ang naturang mga ospital at klinika ay hihikayating magtayo at mag-operate ng sariling botika na pagkukunan ng mga gamot na ibibigay sa mga maysakit, at regular na magsusumite sa LGUs ng ulat kung saan ay nakadetalye ang kumpletong paÂngalan ng binigyan nito ng gamot, ano ang sakit nito, sino ang doktor na tumingin dito at nagreÂseta, at kung magkano ang gamot nito.
Sinabi ni Jinggoy na maraming uri ng sakit ang nangangailangan ng mahabang panahon ng pag-inom ng gamot at maraming kababaÂyan ang hindi kayang tustusan ang gastos para rito. Umaasa siya na makatutulong nang malaki sa mga ito ang kanyang isinusulong na hakbangin.