^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa sunod na hagupit ng bagyo…

Pilipino Star Ngayon

NGAYONG naranasan na ang bangis nang pinakamalakas na bagyo, tiyak na may iniwan na itong matinding aral, hindi lamang sa mga namumuno sa bansang ito kundi pati na rin sa mamamayan. Ang hindi lamang marahil nagkaroon ng aral sa pangyayaring ito ay ang mga walang laman ang ulo.

Unang-unang leksiyon ay ang agarang pag-alis sa lugar kung saan ay deklaradong Signal No. 4 ang bagyo. Malakas ito at hindi sapat na sabihing handa na ang mga tao, lalo na ang mga nasa tabing dagat. Kailangan ay lumikas sa lugar at magtungo sa pinakamataas na lugar na hindi aabutin ng baha. Sa nangyaring pananalasa ni Yolanda sa Leyte at sa iba pang probinsiya sa Kabisayaan, totoo namang naghanda sila sa pagdating pero dapat ay lumikas sila sa lugar. Karamihan sa mga namatay ay nalunod nang buhatin ng hangin ang tubig dagat at sinuka sa kalupaan. Umabot umano ng 10 feet ang tubig at may nagsabing kasingtaas ito ng punong niyog. Balewala nang sagasaan ng tubig ang mga bahay. Dinurog ang mga iyon. Sampung barges ang iniahon sa dalampasigan at tinulak sa mga kabahayan. Mahigit 3,000 na ang patay sa pananalasa ni Yolanda.

Pero kung nailikas ang mga taong nakatira sa baybay dagat maaaring kakaunti ang namatay. Pero dahil nga nabalewala ang babala, marami ang napahamak. Isang leksiyon na dapat nang maiukit sa isipan nang marami. Lumikas na habang maaga.

Malaking leksiyon din naman sa gobyerno ang pananalasa ni Yolanda. Inamin ng gobyerno na mabagal ang kanilang response sa mga biktima. Kung hindi pa binatikos ng foreign media ay hindi bibilisan ang kilos at magkakaroon ng sistema.

Leksiyon din sa gobyerno na kailangan ang agarang pagde-deploy ng mga sundalo at pulis sa mga sinalantang lugar para mapigilan ang looters. Leksiyon din ang pamamahagi ng relief goods na hindi na dapat idaan pa sa kung sinu-sino. Ipamahagi nang ipamahagi ang mga pagkain, gamot at damit para mapakinabangan. Mas mahalagang magkalaman ang sikmura sa panahon ng kalamidad.

Tiyak, maraming natuto sa ginawa ni Yolanda at kaya nang harapin ang mga susunod pang malalakas na bagyo.

vuukle comment

BALEWALA

DINUROG

INAMIN

LEKSIYON

NANG

PERO

SIGNAL NO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with