TALAMAK ang “kotong†sa mga lansangan. Kadalasan, mga tiwaling pulis ang itinuturong nasa likod nito. Subalit, sa Quezon City, isang nagpanggap na unipormadong traffic police ang nahulog sa BITAG matapos mangikil sa isang motorista.
Nanghuhuli ang pekeng pulis ng mga motorista kahit walang violation. Iniimbento niya ang violation kapag hawak na niya ang lisensya ng drayber at mga papeles.
Isa sa mga nabiktima ng nagpakilalang pulis na si Jomar Ablay si Jaime, isang truck driver na dumadaan sa C3. Pinara umano siya ng isang unipormadong pulis sa hindi matiyak na dahilan.
Tulad ng karaniwang ginagawa ng mga lehitimong awtoridad, agad hiningi ni Ablay ang lisensiya ni Jaime gayundin ang mga dokumento ng minamanehong sasakyan.
Pero ng tinanong kung ano ang kanyang paglabag sa batas-trapiko, walang maisagot ang kolokoy na traffic police. Bagkus, inikutan niya agad ang trak at sinabing tambutso ang problema ng sasakyan. Mabilis at matikas pang sagot ni Ablay, para hindi na lang daw maabala pa ang drayber at nang makaalis na, magbayad na lang daw ng P200.
Dito, nagduda na si Jaime kaya nagtungo sa traffic sector para kumpirmahin ang pagkatao ng pulis. Sa pagkakata- ong ito, tuluyang nahulog sa BITAG ang pekeng pulis., Ayon sa tanggapan, matagal na nilang minamanmanan ang suspek na modus ang pagpapanggap na isang pulis para manggantso. Napag-alaman na dating empleyado ng MMDA si Ablay subalit nasibak dahil sa katiwalian.
Hindi maitatanggi na maraming tiwali ang ginagawang gatasan ang mga motorista. Nagpapanggap na pulis para rumaket.
Mensahe ng BITAG sa mga mapagsamantala, mahuhulog din kayo sa inyong mga modus. Pinaalalahanan naman ang mga motorista na isumbong sa mga awtoridad ang sinumang mananamantala sa kabila nang pagsunod sa batas-trapiko.