BINIGWASAN siya ng sampal. Sa lakas… umugong ang kanyang tenga at halos mabingi. Tumilapon ang kanyang panga na parang mahihiwalay sa kanyang mukha.
“Wala namang umawat sa kanya. Ayoko ng mabuhay sa takot!†matigas na sabi ni “Bangâ€.
Mula pa sa Pilar, Pangasinan nagsadya sa amin si Barbara “Bang†Cabais, 31 taong gulang.
“Kahit kelan ‘di ako naging pabaya pero paulit-ulit niya pinapalabas na ako may problema,†ani Bang patungkol sa kanyang mister.
Taong 2005 habang nagtatrabaho sa Maynila si Bang bilang ‘sales lady’ sa sapatosan inireto sa kanya sa ‘text’ si Gerwin Batin, 35 anyos taga Abra. Kasalukuyang nagtatrabaho nun sa isang construction sa Batangas.
Naging sila sa text. Taong 2006, nagtrabaho sa Olongapo sa isang electronic company si Bang. Dito sila unang nagkita ni Gerwin. Pinuntahan siya nito sa Gapo. Nobyembre parehong taon, nagdesisyon silang magsama.
“Binahay na niya ko sa Abra. Nagsaka siyang muli,†kwento ni Bang.
Maayos nung una ang naging pagsasama nila. Hunyo 2007, bago siya manganak, umuwi siya ng Pilar, Pangasinan. Naiwan naman si Gerwin sa Abra at sumunod na lang paglabas ng bata.
Sinama ni Gerwin pabalik sa Abra ang kanyang mag-ina. Dito na nagsimula ang umano’y pang-aabuso ng mister. Makalipas ang apat na buwan, bugbog na daw ang inabot niya sa asawa. Naging problema din niya umano ang pakikisama sa biyenang si ‘Aurora’.
“Mabait siya ‘pag kaharap ako pero nahuli kong pinag-uusapan nila ko pagnakatalikod ako… nagtanong lang ako kay Gerwin kung bakit ganun si Inang gulpi na agad ang inabot ko,†kwento ni Bang.
Nagpaulit-ulit daw ang pananakit ni Gerwin kaya’t bumalik siya sa kanyang mga magulang sa Pangasinan. ‘Di nakatiis si Gerwin at sumunod din ito.
“Tumulong siya kay Tatay sa pagsasaka ng lupa namin,†sabi ni Bang.
Taong 2010, hinikayat si Bang mismo ng biyenan na magtrabaho sa Singapore (SG) bilang taga bantay ng anak ng kanyang hipag.
Dalawang taon ang kontrata ni Bang sa SG. Nagpapadala siya ng Php3,000 nung mga unang buwan dahil kinakalatas pa sa sahod niya ang nagastos ng mga ito sa pagpunta niya dun. Hanggang umabot na sa Php5,000 ang padala niya.
Nakapagpatayo sila ng sariling kubo sa likod ng bahay ng magulang ni Bang. Mayo 2013, umuwi ng Pilipinas si Bang matapos magkasakit ng Hepatitis-A. Kinailangan niyang magpagamot dito.
Sa mga panahong ito kasabay niya ring nagkasakit ang ama ni Gerwin na si Federico. Na-stroke naman.
Nagsimula silang mag-away muli ni Gerwin ng mangÂhingi ito ng pamasahe kay Bang at hindi siya agad nakapagbigay. “Pinakiusapan ko siyang kesa ipamasahe niya ipambili ko na lang sana ng gamot ko,†wika ni Bang.
Hindi naman natiis ni Bang si Gerwin at pinangutang niya pa ang pamasahe nito pauwi ng Abra. Buwan ng Hunyo namatay si Federico.
Pilit siyang pinapupunta ni Gerwin sa Abra subalit ayon kay Bang nagpapagamot siya kaya’t ‘di siya nakarating.
Ang pangyayaring ito ay paulit-ulit daw na sinumbat ni Gerwin sa kanya mula ng umuwi ito sa Pangasinan.“Ni hindi mo nilingon ang tatay ko!†palagi raw sabi ni Gerwin tuwing sila’y mag-aaway.
Nitong huli, habang naglalaba siya at nagpapahinga naman sa loob ng bahay nila si Gerwin, nagpaalam ang kanilang anak na maligo sa poso. May sipon at ubo ang bata kaya’t ‘di niya ito pinayagan subalit tumakas daw ito.
Naabutan ng mister na naglalaro sa poso ang kanilang anak kaya’t nagwala na ito at sinabi umano ,“Kinukunsinte mo na naman ang bata! Kunsintedora!â€
Sa sakit ng mga binitawang salita daw ni Gerwin, sa bahay ng ina niya siya nagtulog at hindi sa kanilang kubo.
“Sa totoo lang balak ko na makipaghiwalay,†matigas na sabi ng misis. Agosto 1, 2013 habang nagluluto ng baon ng anak si Bang. Bigla lumabas si Gerwin na may dala ng maleta. Hinila niya ang bata at kinalakad daw palabas.
Sinubukan siyang pigilan nila Bang at ina nito subalit wala silang nagawa.Tuluyang tinangay ni Gerwin ang anak papunta sa Dumantay, Batangas.
Ito ang dahilan ng pagpunta ni Bang sa aming tanggapan.
Itinampok namin si Bang sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)
PARA SA ISANG PATAS NA PAMAMAHAYAG, sinubukan namin kausapin si Gerwin para makuha ang kanyang panig subalit nagtatrabaho daw siya sa konstraksyon kaya’t si Bing Ochoa, kanyang kapatid ang aming nakapanayam.
Ayon kay Bing hindi niya alam ang naging problema ng mag-asawa’t basta dinala na lang ni Gerwin ang kanyang anak sa Barangay Dumantay, Batangas City.
Hindi daw tinatago ni Gerwin ang bata. Sa katunayan si Bang daw itong ayaw makipag-usap at binlock pa nito ang cell phone number ni Gerwin. Bagay na ‘di naman tinatanggi ni Bang. Nagawa lang daw niya ito dahil panay mura daw ang kanyang natatanggap.
“Nung una palang sinabi na ng kapatid ko na kung gusto niya makita ang bata pumunta siya sa bahay, dati na naman siyang nakapunta sa’min,†sabi pa ni Bing sa telepono.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, minabuti namin tawagan muli si Gerwin pagkagaling nito sa trabaho. Sinabi nitong payag naman siya makipagkita kay Bang at ipakita rin ang kanilang anak. Bilang tulong ni-refer namin si Bang sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay PSS Rudy Lacadin, Deputy Director for Operations para pasamahan siya sa ilang operatiba ng Batangas-CIDG, mga taga Women’s Desk ng Women and Children Protection Division at DSWD para makita niya ang kanilang anak.
Pinaalalahanan naman namin si Gerwin sa karapatan ni Bang sa bata. Una, hindi sila kasal ni Bang at nasa anim na taong gulang pa lang ang anak nila.
Sa ating ‘Family Code’ awtomatikong dapat nasa ina ang pangaÂgalaga ng bata sa ganitong edad. Pagtuntong nito ng pitong taon, kung maghahain ng ‘Custody Case’ maghaharap sila sa korte at tatanungin ng hukom kung kanino gustong sumama ng kanilang anak. Kapag yung isa ang napili, ang kabila naman ay ‘di matatanggalan ng karapatan na mabisita o makasama ang bata (visitation rights) kahit kapag ‘weekend’ lang. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Maari kayong tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038