NOONG isinalang ang budgetary requests ng DND at DILG sa Kongreso, di na ako nagtanong ng kung anu-ano para mapabilis lamang ang approval ng kanilang mga hinihiling na bilyun-bilyong budget. Tumahimik din ako sa mga nakita kong kapalpakan ng DND/NDRRMC at DILG/PNP na naging sanhi ng mas maraming nangamatay sa Cagayan de Oro dahil sa bagyong Sendong at sa Compostela Province dahil sa bagyong Pablo.
Ngayon tama na ang aking pananahimik. Ayon pa kay Thomas Jefferson: “In matters of style, swim with the currentÂ; in matters of principle, stand like a rock.â€
Ang casualties ng mga nasabing sakuna kasama na ang naidulot ng Super Typhoon Yolanda ay hindi dapat umabot ng libu-libo kung pinalawak lamang ni DND Sec. Voltaire Gazmin at DILG Sec. Mar Roxas ang kanilang pag-iisip tulad ng ginawa ni Mayor Bloomberg ng New York at ni Governor Christie ng New Jersey bago nanalasa ang Superstorm Sandy noong Oktubre 12, 2012 sa America. Dahil sa epektibong liderato ni Bloomberg at Christie naging mistulang “ghost towns†ang New York at ilang lugar sa New Jersey dahil sa puwersahang paglilikas ng kanilang mga mamamayan.
Ang madalas na alibi ng ating mga opisyal ay matitigas daw kasi ang ulo ng mga kababayan natin. Kung matigas ang mga ulo dapat puwersahin nila invoking the police power of the state. At para mas mapadali ang pagsang-ayon nila, bigyan sila ng “evacuation allowanceâ€. Nagawa ito sa New York at New Jersey bakit hindi natin kayang gawin ito? At may paulit-ulit pa na warning hinggil sa “storm surge†si Bloomberg at Christie. Sina Gazmin at Roxas ay wala.
Kaya may nag-text tuloy sa akin na ang ibig sabihin ng NDRRMC ay Nangamatay Dumami sa RumaraÂgasang Rivers, Mudslides, at Cave-ins, sa halip na National DisasteÂr Risk Reduction Management Council at ang PNP naman ay Patay, Napakaraming Patay.