MALAKI ang pinsalang naidulot ng bagyong Yolanda sa bansa. Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isipan ng mga matinding naapektuhan ng bagyo ang bangungot sa kanilang buhay.
Sa isang iglap, maraming buhay ang nalagas. MilÂyones ang nawalis na halaga ng mga istruktura, gusali at ari-arian. Libo-libong pamilya at indibidwal ang nawalan ng tirahan.
Malaking hamon ngayon sa pamahalaan ang pagpapanumbalik ng kaayusan at katiwasayan sa mga lugar na naging sentro ng bagyo.
Nitong mga nakaraang araw hindi na magkandaugaga pa ang buong bansa sa pagsasagawa ng rescue at relief operations sa mga biktima ng bagyo.
Subalit, ang malaking tanong ay kung papaano sisimulan ang rehabilitasyon na dapat ikasa ng gobyerno para maibalik ang mukha ng Tacloban. Halos walang naiwang nakatayong gusali sa nasabing lalawigan matapos ang pagbayo ni “Yolanda.â€
Isang indikasyon na mahina ang pundasyon ng mga gusaling nakatayo sa lugar. Sa ganitong mga senaryo, natuto na sana ang mga mamamayan at ang pamahalaan.
Nangangahulugan lamang ito na long term proÂject o pangmatagalang kapakinabangan ang dapat isipin ng mga namumuno sa gobyerno sa pagtatayo ng mga istruktura partikular na ang mga shelter o evacuation center at mga pagamutan.
Sakali mang dumating ang bagyong kapareho ni “Yolanda,†maiiwasan na ang mga sakuna at kalamidad tulad ng sinapit ng ilan nating mga kababayan.