^

PSN Opinyon

Ang Diyos ng mga buhay

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Makabeo, bubuhayin tayong muli ng Hari ng buong daigdig. Isinakatuparan ito ni Hesus sa Kanyang muling Pagkabuhay. Ang kamatayan ay para bang pagtulog  na ayon sa Salmo ay: “Paggising ko, poong sinta, sa piling mo’y magsasaya”.  Sa habag sa atin ni Hesus ay ipinagkaloob sa atin ang lakas at tibay ng pag-asa. Maging matatag nawa ang ating kalooban upang maipahayag ang lahat nang kabutihan. Ang habag ng Panginoon ay walang hanggan.

Maging sa ebanghelyo, isang Saduceo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay ay sinubukan si Hesus sa kanyang salaysay sa buhay ng isang babae. Nag-asawa ito, hindi nagkaanak at namatay ang kanyang asawa. Ayon sa kanilang paniniwala, dapat pakasalan ng kapatid ang babae. Sa kinasamang-palad namatay din ang lalaki. Sa madaling salaysay ay pitong magkakapatid na lalaki ang napakasal sa babae at silang lahat ay namatay. Walang naging anak.  Sinabi ng pilosopong Saduceo sino ang magiging asawa ng babae, kung mayroong muling pagkabuhay ayon sa aral ni Hesus?

Katulad ito ng pag-iibigan ng magkasintahan na hindi nagkatuluyan sapagka’t nakabuntis si lalaki at napilitang pakasalan ang nabuntis. Sabi ng babae: “Paano ‘yan irog ko, nangako kang tayo ang magpapakasal.” Sagot ni lalaki: “Mahal ko, matutuloy din ang ating wagas na sumpaan. Sa muling pagkabuhay, doon tayo magpapa-kasal sa langit na bayan!”

Sinabi ni Hesus: “Ang mga lalaki at babaing karapat-dapat na muling bubuhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa”. Ang sumpaan ng pag-ibig ng mga lalaki at babae sa daigdig na ito ay hanggang dito na lamang. Sa kaharian ng langit ay iisa lamang ang ating pupurihin nang wagas: ang Diyos Ama, Anak na si Hesus at Espiritu Santo, amen! “Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay.”

2Mc7:1-2,0-14; Salmo 16; 2Tes 2:16, 3:5 at Lk 20:27-38

* * *

Happy birthday kay Jelly Nolasco.

ANAK

ANG DIYOS

DIYOS AMA

ESPIRITU SANTO

HESUS

JELLY NOLASCO

SADUCEO

SALMO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with