NOONG 1960s nang ako ay nag-aaral pa lang ng pre-law sa UST, ako ay sumasaglit sa Senado paminsan-minsan para manood sa mga senador. Naabutan ko pa noon sina Senador Jose Diokno, Lorenzo Tanada, Lorenzo Sumulong, at iba pa. Kahanga-hanga ang asal ng mga senador noon pati ang lalim ng kanilang mga talino at kagalingan sa debate.
Kaya labis akong nalungkot matapos mapanood noong nakaraang Huwebes, ang Senate Blue Ribbon Committee hearing kung saan si Janet Lim Napoles, DOJ Secretary Leila de Lima, Benhur Luy at iba pang whistleblowers ay naimbitahang magsalita bilang resource persons “in aid of legislation†hinggil sa diumano’y pork barrel scams.
Maliwanang na kulang sa kalidad o bigat ang uri ng karamihan sa mga senador natin sa kasalukuyan. Impertinent, irrelevant, immaterial at mababaw ang halos lahat ng mga tanong nila sa kanilang mga naimbitahang resource persons. Halimbawa, ano ang relevance sa “in aid of legislation†ang pagbatikos ng isang senadora kay Napoles dahil hindi naman daw “international trade lawyer†ang isa sa mga abogado niya kundi isang “OFW Lamang� Pati ba naman ang mga nanahimik na OFWs ay ininsulto pa ng senadorang ito.
May isa namang senadora na sobrang haba ng sinabi pero wala namang tinanong na may kaugnayan sa “aid of legislationâ€. Parang eroplano ang senadora na nag-take off pero hindi maka-landing dahil hindi niya matumbok kung saan ang airport.
Mayroon namang senador na abogado pa man din na sinabihan si Napoles na ibunyag kung ano ang naging usapan nila ng kanyang abogado hinggil sa isang bagay. Natameme si Senador nang sinupalpal siya ni Napoles na “privileged communication†yan between me and my lawyer. Naalaala ko tuloy ang awiting “Send in the clownsâ€. No need to send them to the Senate. Nandoon na sila, nag-oopisina.