EDITORYAL - Kailangan pa ang todong paghahanda
NAPAGHANDAAN si Super Typhoon Yolanda pero kulang pa rin. Kailangan pa ang matinding paghahanda sa mga ganitong malakas na bagyo para makatiyak nang zero casualties. Sa pinaka-latest na report ukol sa mga namatay sa pananalasa sa Yolanda, umabot na ito sa 100 at ito ay sa lalawigan lamang ng Samar at Leyte. Marami pa ang hinahanap ayon sa Philippine National Red Cross.
Ilang araw bago dumating ang bagyong “Yolanda†ay nagbigay na ng babala ang mga awtoridad ukol dito. Maski si President Noynoy Aquino ay nagsalita na sa telebisyon at nagbabala sa papaÂrating na malakas na bagyo. May lakas na 235 kilometers per hour (kph) si Yolanda at may bugso na 275 kph. Kailangang lumikas ang mga residenteng nasa tabing dagat. Ang “Yolanda†ang sinasabing pinaka-malakas na bagyo na tumama sa bansa sa loob nang maraming taon. Umabot sa Signal No. 4 ang bagyo. Tinumbok ng bagyo ang mga probinsiya sa Visayas na kinabibilangan ng Samar, Leyte, Cebu, Capiz at Panay. Tinamaan din ang Surigao del Norte, ZamboaÂnga, Bicol Region, Masbate, Quezon, Marinduque, Romblon, Mindoro provinces at Palawan.
Pinaka-grabe ang pinsala sa Easter Samar sapagkat dito unang nag-landfall ang bagyo. Mara-ming bahay, gusali, simbahan, gymnasium ang na sira. Maraming puno ang nabuwal, bumagsak ang mga poste at nawalan ng kuryente sa nabanggit na probinsiya. Biglang tumaas ang tubig at may mga bahay sa tabing dagat ang inanod.
Bagama’t maraming lugar sa Visayas ang grabeng napinsala, may lugar din naman na walang naitalang namatay. Ang Sorsogon ay isa rin sa matinding hinaÂgupit ng bagyo pero wala umanong naitalang casualties. Nakapaghanda ang mga residente roon. Ilang araw bago manalasa ang bagyo ay pinalikas na ang mga tao. Dinala sa matatas na lugar at ang iba ay sa mga covered court. Maraming naka-evacuate bago pa dumating ang bagyo. May nakapag-istak ng pagkain at iba pang pangangailangan. Ang iba ay nilagyan ng suhay ang mga bahay para hindi magiba.
Malaking tulong ang nagagawa ng paghahanda at pagiging alerto sa ganitong pananalasa ng bagyo. Bagamat mayroon pa ring naitalang namatay sa kabila na nagkaroon ng paghahanda, dapat pa ring pagsikapan ang lubusang paghahanda. Bagyo ang number one na kalaban ng bansa kaya dapat dito imulat ang lahat. Ibuhos ang paghahanda.
- Latest