1. Bawang – Ang bulb ng bawang ay puwedeng kaÂining hilaw o gawing tableta. May nagsasabi na ang garlic ay bahagyang nagpapababa ng cholesterol at ng presyon ng dugo. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy nito. Mas epektibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa sikmura.
Para saan ito: Mataas ang cholesterol
Grado: B-
2. Luya – Ang gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang luya na ginawang salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo. Makatutulong din ito sa sakit ng tiyan. Bukod dito, ang luya ay panlaban din sa mga mikrobyo.
Para saan ito: Nahihilo at nasusuka
Grado: A
3. Ginseng – May dalawang ginseng, isang American ginseng at isang Asian ginseng. May paniniwala na ang ginseng ay nagpapalakas sa sexual performance ng mga kalalakihan. May nagsasabi rin na nagbibigay ito ng dagdag lakas at resistensiya. Mag-ingat lang po ang pasÂyenteng may altapresyon at sakit sa puso dahil puwedeng lumala ang kanilang sakit.
Para saan ito: Pampalakas ng katawan
Grado: B
4. Glucosamine sulfate – Ang glucosamine ay nagÂmula sa shells ng alimango, talaba at hipon. Napag-alaman sa mga pag-aaral na makatutulong ito sa paggamot ng arthritis sa tuhod. Makababawas din ito sa kirot ng ating kasu-kasuan. Ngunit kapag malala na ang arthritis, dapat pa ring kumunsulta sa doktor.
Para saan ito: Arthritis sa tuhod
Grado: B
5. Green tea – Ang green tea na nagmula sa Asia ay pinaniniwalaang panlaban sa kanser at pampababa ng cholesterol. Maraming sinasabing benepisyo ang green tea pero hindi pa ito lubos na napaÂtuÂnayan. Mag-ingat lang sa pag-inom dahil may halo itong caffeine na maaaring magpaÂbilis ng tibok ng puso.
Para saan ito: Panlaban sa kanser
Grado: A
Kung kayo ay may tanong, kumunsulta po sa inyong doktor.