KILALANG-KILALA si King Abdullah ng Saudi Arabia na mabait sa mga dayuhang manggagawa sa kanilang bansa lalo sa OFWs. Halimbawa, kamakailan lang, binayaran niya ang pamilya ng napatay in self-defense ni OFW Dondon Lanuza ng humigit kumulang P40 milyon para hindi na mabitay at makalaya na sa kulungan.
Minsan naman, nag-pardon siya ng lahat ng OFWs na nasa mga kulungan sa KSA at pinauwi sa Pilipinas on board sa isang chartered plane na sagot niya ang bayad. Kaya ako ay hindi naniniwala na alam ni Abdullah ang ginawa ng KSA immigration na pinosasan ang mga kamay at paa ng expatriates sa KSA kasama ang mga OFWs bago sila pina-deport nitong nakaraang mga araw.
Ang paglabag ng immigration laws ng isang bansa ay hindi criminal offense. Ito ay administrative lamang. Dahil kung criminal offense nga yan, hindi basta-basta dini-deport ang accused na hindi muna nililitis at pinapatunayan ang crime beyond reasonable doubt. Sa administrative offense, “substantial evidence†lang, hindi proof beyond reasonable doubt ang ebidensiya na dapat ipresenta. Kaya dahil hindi naman mga criminal ang OFWs sa Saudi na na-deport, hindi sila dapat pinosasan sa kamay at paa na parang mga criminal. Inabuso ang kanilang human rights at dapat isumbong ito ng ating gobyerno sa hari ng Saudi Arabia sa pamamagitan ng formal diplomatic protest.
Dahil hindi lang naman OFWs ang inabuso kundi mga mamamayan din ng ibang bansa tulad ng ASEAN, dapat ang Secretary General ng ASEAN ay maghain din ng formal diplomatic protest on behalf of ASEAN nationals na inabuso ng immigration ng KSA. Ang ginawa nila ay hindi lamang labag sa UN Declaration of Human Rights, ito ay pagbalewala rin sa isinasaad sa Koran na dapat tinatrato nang tama ang mga dayuhan.