^

PSN Opinyon

Zaqueo, bumaba ka agad

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

MAHABAGIN at maawain ang Panginoon. Maging si David sa kabila ng kasalanan ay pinatawad at inunawa Niya, kaya wagas ang kanyang papuri: “Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi”. Tularan natin si Pablo sa kanyang panalangin upang maging karapat-dapat din tayo sa pagtawag ng Panginoon.

Maging sa ebanghelyo ay ipinahiwatig sa atin ang pinaka-malaking biyaya ni Hesus kay Zaqueo noong Siya mismo ang nagkusang paimbita noong makita Niya si Zaqueo  sa puno ng Sikomoro:  “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan Kong tumuloy ngayon sa bahay mo”. Sa kabutihan ng Panginoon ay napagtanto ni Zaqueo ang kanyang kasalanan. Nagbalik-loob siya at winika: “At kung ako’y may nadayang sinuman ay apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya”.

Hindi ipinagmalaki ni Zaqueo na si Hesus ay nakikain sa kanyang tahanan, manapa’y naliwanagan siya upang humingi ng kapatawaran at magpanibago ng buhay.  Alam niyang kilalang-kilala ng lahat ang kanyang kasamaan at kasalanan dahil siya’y isang tax collector. Sana’y mapagtanto rin ito ng mga taga-BIR.

Dalawang araw na ang nakalipas at ipinagdiwang  natin ang All Saints’ Day.  Sila ang  mga ginantimpalaan ng Diyos sa kanilang kabutihan at kabanalan dito sa lupa. Hindi lang sila ang mga sikat na santo at santa na pinipintakasi dahil sa mga  himalang ipinagkaloob ng Panginoon kundi sila ay naging bahagi ng ating buhay. Naniniwala ako na si Tatay at si Inay ay kabilang na sa mga pinagpala ng Panginoon. Maraming saksi ang magtatalaga sa kanilang kabutihan dito sa lupang ibabaw.

Kahapon ba ay inalala at ipinalangin natin ang lahat ng mga yumao upang bigyan sila ng kapayapaan sa kabilang buhay. Tayong mga Pinoy ay iba ang pananaw sa Nob. 1 (All Saints’ Day) na dapat nasa simbahan at Nob. 2 (All Souls’ Day) na dapat nasa sementeryo upang dalawin ang puntod ng mga namatay. Ang nangyayari Okt. 31 at Nob. 1 nasa sementeryo na at Nob. 2 (Araw ng mga Patay) ay  walang dumadalaw. Kawawa naman ang mga kaluluwa.

Karunungan 11:22-12:2; Salmo 144; 2Tes 1:11-2:2 at Lk 9:1-10

 

ALL SAINTS

ALL SOULS

DIYOS

HESUS

NIYA

PANGINOON

ZAQUEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with