TYPE kong leader si House Speaker Sonny Belmonte. I did not know him from Adam until naging kongresista ako bilang representante ng OFWs and Family Sector. Mga tatlong buwan na ang nakararaan nang dinalaw ko siya sa kanyang napaka-simpleng pamamahay sa E. Rodriguez Ave., Extension in Quezon City. Walang ka-airy-airy sa katawan ang pinaka-apat na makapangyarihang tao sa Pilipinas. Walang pretensions. Ang topic ng aming pinag-usapan ay hindi “heavyâ€. Ikinuwento niya sa akin ang kanyang mynah bird na regalo sa kanya ng isang kaibigang mayor. Isang araw may dumalaw daw sa kanyang isang magandang kongresista kasama ang kanyang guwapong-guwapong mister na sikat na artista. Nang dumaan sa harap ng mynah ang magkabiyak, sinigawan sila ng mynah ng “Hoy mga pangit!†Medyo namula raw sa embarrassment si Speaker at nag-isip na ipamigay na lang ang mynah pero hindi niya magawa dahil baka sumama naman daw ang loob ng kanyang kaibigang mayor.
Matapos kaming mag-usap ni Speaker, binigay niya sa akin ang kanyang personal na cell phone number sabay ang pasabi na tawagan ko lang siya anytime may problema man o wala. Minsan tinext ko siya na kung puwede maging vice-chairman ako ng committee on foreign affairs at ng committee on overseas workers affairs dahil sa aking background bilang dating ambassador at labor attaché. Kaagad-agad pinagbigyan niya ako, ob-viously hindi para sa aking personal na benepisyo kundi para sa pangkalahatang kapakan ng OFWs at pamilya.
Puwedeng umasa ang OFW at Family Sector na kapag may mga issue hinggil sa kanila, buong-buo ang magiging suporta para sa atin ni Speaker. Ako ay nalungkot sa resulta ng latest survey ng Pulse Asia at ng SWS na hindi masyadong mataas ang popularity rating ni Speaker. Paano kasi itong si Speaker ay hindi masyadong mahilig sa “praise release†bagamat may press corps naman sa Kongreso. Sa 2016 susuporta ako kay Speaker ano man ang plano niya. Sonny Belmonte, ikaw na!