^

PSN Opinyon

‘Sipsip ng Salabay’ (Unang bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

RAPE! RAPE! Napakadaling sumigaw at umakusa ng rape…magturo ng tao,  isama mo pa ang ‘medico legal findings’ siguradong makikitaan ng taga-usig ng prima facie o ‘probable cause’ ito para isampa sa husgado.

Paikot na peklat mula kaliwang pulso… hanggang braso.  Ito ang markang nakadikit na daw sa balat ni “Nelvin” tatlong taong gulang pa lang siya. Nakuha niya ng sipsipin ng Salabay (malaking dikya) ang kamay nung minsang maligo sa dagat.

“Ito…Ito ang palatandaan naming paso ng sigarilyo!” matigas umanong sabi  ng pulis kay Nelvin habang hila ang braso niyang may peklat.

Tubong Capalonga, Camarines Norte si Nelvin Parale, 24 taong gulang. Nagsadya siya sa’min tanggapan kasama ang pamangking si Melbhen Quinto mas kilala sa tawag na “Noknok”, 23 anyos.

“Wala naman kaming alam sa kasong binibintang sa’min. Ni hindi namin kilala si Randy...mastermind daw,” wika ni Nelvin.

Kidnapping and Serious Illegal Detention with Rape ang kasong kinakaharap ng magtiyuhin sa Daet. Ang biktima, ang noo’y 16 anyos na bakasyunista sa Purok Ubas, Brgy Gubat, Daet. Itinago namin sa pangalang “Mimay”---taga Malabon.

Parehong taga Camarines Norte ang pamilya Quinto at Parale. Ang ama ni Noknok na si Ulysses ay meter reader sa Capalonga habang Domestic Helper (DH) naman sa Hong Kong ang ina niyang si Crisanta.

Nangupahan sa Lukban Subd. si Noknok kasama ang tatlong nakababatang kapatid, ka ‘live-in’ na si Miejonalyn Indo, 30 anyos at dalawang anak.

“Walang eskwelahan sa Capalonga kaya sa Daet kami tumuloy para makapag-aral. Kumukuha ako ng AB Mathematics sa Camarines Norte State College,” ayon kay Noknok.

Ika-29 ng Mayo 2012… bakasyon, nagkayayaang manood ng paliga sa Agro Sport Center  sina Noknok, nakababatang kapatid na si “Jobo” (di tunay na pangalan dahil menor de edad) at si Nelvin, nagbabakasyon nun sa kanila.      

Alas-8:00 ng gabi, umalis ng bahay ang tatlo. Iaangkas dapat ni Noknok ang dalawa sa single motor ng biyenan niya subalit ‘di ito nag-start.  Naglakad na lang sila mula subdibisyon hanggang Agro (dalawa-tatlong kilometro daw ang layo).

Patapos na ang unang laro ng dumating sila sa Agro. Naumpisahan nila ang pangalawang set ng kupunan. Alas-10:00 ng gabi na sila nakauwi ng bahay.

Kinabukasan inayang muli ni Nelvin ang dalawang manood ng basketball.

“Basketball player si Nelvin at kapatid ko sa Brgy. 7, Lukban. Kaya panonood ng basketball ang hilig namin. 7:00PM pumunta na kami sa Agro para masimulan ang game. Maaga nga lang natapos mga 8:30,” ani Noknok.

Mabilis na nakauwi ng bahay ang magtitiyuhin. Bandang 11:00 PM, habang nanood ng TV, kwento ni Noknok dumating na lang ang kapitan nila nun na si Bernie Sapurco kasama daw ang 15 Pulis-Daet na noo’y nakatingin sa sasakyang nakaparada sa garahe. Lumabas si Noknok.

“Ilan kayong lalake sa bahay?” tanong ng isang pulis.

“Tatlo po…” mabilis na sagot ni Noknok.

Sunud-sunod na ang naging tanong sa kanya. “Kaninong sasak­yan ito?”. “Marunong ka bang mag-drayb?”

Ang sasakyang tinutukoy ay ang kulay asul na Kia Besta, 1996 Model na pagmamay-ari daw ng tiyuhin niyang si Romel Quinto, naka-base na sa Dubai.

Inutusan siyang ilabas ito sa garahe. “ Wala sa’kin ang susi ng Besta. Tinakas ng binatilyong kapatid ko yung motor ko. Nasa akin ang susi ng motor kaya susi ng van ang ginamit niya pang-start…” ayon kay Noknok.

Dahil sira-sira na umano ang kotse ‘di lahat ng pinto nala- ‘lock’ pa, ang ginawa ni Noknok, pinadausdos ito palabas ng kalasada gamit ang ‘hand break’.

“Pababa naman ang garahe kaya nakalabas ang van,” ani Noknok.

Tiningnan ng mga pulis ang loob ng van. Ilang sandali isang babaeng nakatakip ang mukha ng buhok ang inilapit dito at pinabusisi ang sasakyan.

Pinatawag si Noknok… pinalapit sa babae at pinatayo sa tapat ng poste ng ilaw. “Kasama ba yan?” tanong ng pulis.

Tinanong ni Noknok sa mga pulis kung anong nangyayari. Sagot daw ng mga ito, “May itatanong lang kami..” sabay palayo sa kanya.

Maya-maya si Nelvin naman ang kinausap. Pinatayo ang tiyuhin sa kalsada at tinanong, “Kilala mo ba yang babae yan?”

 â€œHindi ko po yan kilala, bakit po?” mabilis na pagtanggi ni Nelvin sa pulis habang kaharap si Mimay.

Isinakay siya sa Mobile. Pilit umano siyang pinapaamin, “Umamin ka na, Ituro mo na mga kasama mo para ‘di ka na mahirapan!”

Naging matigas si Nelvin at tinangging kilala ang babae. Pinababa siyang muli sa mobile. Inalapit sa bata at tinanong ito ng tatlong beses. “Kasama ba siya sa nang-rape?”. Sa pangatlong ulit ng tanong tumango daw ang biktima.

“Sigurado ka bang kasama ako? Paanong kasama?!” tanong ni Nelvin.

Sinakay muli si Nelvin sa mobile… kinausap. Maya-maya hinila ng pulis ang kanyang kaliwang brasong may peklat ng sipsip ng dikya at pinagpipilitan daw na ito ang palatandaan nila sa nang-rape sa bata… paso ng sigarilyo.

“Hindi po yang paso ng sigarilyo. Kagat po yang ng salabay!” giit nito.

Kwento ni Nelvin, isa daw naka-unipormeng pulis ang umupo sa tabi niya at bigla siyang sinikmuraan. Isang nakasibilyan naman ang dumaan sa kanyang likod at dumagok daw sa kanya. Hindi na nakapalag si Nelvin. Dinala siya sa presinto.

Hinintay pa ni Noknok ang kapatid niyang may dala ng susi ng van. Si Noknok mismo ang pinagdrayb nito papuntang presinto.

Pagdating dun, piniktyuran ang magtiyuhin at inimbestigahan.

“Umamin na daw kami…” sabi ni Nelvin.

Nagmatigas ang dalawa subalit diretso pa rin sila sa kulungan.

Nagsampa ng kasong Forcible Abduction with Rape si Mimay laban kina Noknok at Nelvin. Kasama ang isang nagngangalang Bertrand Esplana o “Randy” at dalawang ‘di pa nakikilalang lalake.

Isang buwan ang lumipas, inilipat ang magtiyuhin sa Daet Provincial Jail.

Nagkaroon ng pagdinig ang kaso. Ayon kina Nelvin at Noknok dun lang daw nila nakita si Randy. Ang tiyuhin ng biktima at ‘mastermind’ umano ng krimen—ayon na rin daw kay Mimay.

Sino si Randy? Paano nadawit ang pangalan nila Nelvin at Nok­nok sa umano’y pag- ‘kidnap’ at panggagahasa kay Mimay?

Ang detalyadong salaysay ni Mimay ukol sa mga pangyayari…ABANGAN sa BIYERNES. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.  (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes.

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

BRVBAR

DAW

KASAMA

MIMAY

NELVIN

NOKNOK

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with