General manager ng LRT at MRT, binansagang OJT
ALAM n’yo bang OJT (on the job trainee) ang bansag ngayon sa mataas na opisyal ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT)?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cong. Noli Fuentevella ng Camarines Sur, ret. Gen. Pete Bulaong, Francis Ladroma, Ed Espiritu, Rizal Bautista at Willy Banzon.
Alam n’yo bang pinagtatawanan ng ilang empleado sa LRT at MRT ang kanilang general manager tuwing nagkakaroon ng aberya ang operasyon ng dalawang mass transportation system?
Hindi kasi malaman ng kanilang bossing kung paano aayusin ang mga tumitirik na train ng MRT at LRT. Kung sinu-sino ang mga tinatanong na mga tauhan kung paano ayusin. At dahil paiba-iba rin ang suggestions ng kanyang mga tauhan, siya ay naguguluhan at hindi niya malaman kung alin ang susundin.
Ayon sa aking bubwit, wala kasing background sa pamamalakad ng mga train si General manager kahit siya ay engineer kaya hindi tuloy makapagdesisyon.
Ang tanging qualification ni General manager sa kanyang posisyon ay ang pagiging KKK. Siya ay kaibigan at dating kaklase ni DOTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya sa Philippine Science High School.
At ang isa niyang misyon sa pagiging GM ng MRT at LRT ay protektahan ang pangalan ng isang presidential sister at presidential brother-in-law na nasangkot sa extortion sa isang Czech company.
Ang general manager ng MRT at LRT na binansagang OJT ng kanyang mga empleado ay si GM Honorito “Joy†Chaneco.
- Latest