^

PSN Opinyon

Modus: Fake imported items door to door delivery

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGLIPANA ang mga ahente ng pekeng imported pro­ducts sa iba’t ibang bahagi ng lungsod at mga kalapit na probinsya.

May kaugnayan ito sa mga okasyon ngayong Kapas­kuhan. Itinataon ng mga dorobo ang kanilang modus, alinsunod na rin sa dagsa ng demand sa merkado.

Ang kanilang estilo, pagbabahay-bahay na pag-aalok ng mga produkto. Ang bentahe, di hamak na mas mura ang presyo kumpara sa mga grocery store at supermarket.

Prayoridad nilang puntahan ang mga may maliliit na tindahan o di naman kaya maybahay na alam nilang may kakayanang bumili ng kanilang mga paninda.

 Para makapang-engganyo ng mga prospect victim, magpapakilala silang ahente ng mga malalaking kumpanya. At para maging kapani-paniwala ang kanilang modus, magpapakita sila ng mga aktuwal na resibo ng transaksyon, contact number at address ng mga sinasabi nilang kompanya.

Sa boladas na ito, marami ang kumakagat at naloloko.

Kinakailangan daw munang bayaran ng biktima ang mga produkto bago nila ito i-deliver ayon na rin umano sa protocol ng kanilang mga principal. Dahil bultuhan o malakihan ang transaksyon, kunswelo na rin umano nila ang door to door delivery sa kanilang kustomer.

 Nagantso ng ganitong modus operandi si Linda, isang maybahay at residente ng Towerville Subdivision sa Bu­lacan. Ayon sa kanya, nilapitan at inalok siya ng dalawang lalaking nagpakilalang ahente ng mga produkto ng San Miguel Corporation at Mega Enterprises.

Dahil hindi matiyak ng ale ang kanilang totoong motibo at pakay, agad niyang tinanggihan ang kanilang alok. Pero napilit pa rin siya ng mga kolokoy sa paniwalang bagsak-presyo ang kanilang mga ibinibentang produkto. Agad nagbigay ng P15,000 ang ginang.

Subalit nang buksan na ng ale ang kahon ng door to door delivery pagkalipas ng ilang araw, ang mga grocery item, galing lang pala sa Divisoria at hindi pa umabot sa halagang P2,000.

Ang mga kolokoy, naglaho ng parang mga bula. Hindi na mahagilap at hindi na makontak pa sa kanilang mga numero.

Para mabirepika ang identidad ng dalawang mangga­gantso, kinuha ng BITAG T3 ang panig ng mga kompanyang ginamit ang mga pangalan sa panloloko subalit kapwa tumanggi silang magbigay ng pahayag hinggil dito.

Pinag-iingat ng BITAG ang publiko sa mga nag-aalok ng kung anu-anong mga produkto lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Walang dudang marami pang maglilitawang mga manggagantso gamit ang pangalan ng mga malalaking kompanya tulad ng nangyaring panloloko kay Linda.

Huwag magpapaniwala. Maging paladuda. Mabuting bumili na lang sa mga supermarket at grocery store na may pangalan upang hindi madenggoy ng mga nagpapanggap na ahente.

AYON

DAHIL

DIVISORIA

HUWAG

KANILANG

MEGA ENTERPRISES

SAN MIGUEL CORPORATION

TOWERVILLE SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with