KAPAG ikaw ay dumadausdos na at mahuhulog na sa bangin, hahanap ka ng kakapitan kahit sa dayaming walang pinag-uugatan.
Ganito kung humawak ang mga pasyenteng lumalapit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang mga mahal sa buhay.
Ang programa sa radyo ng PCSO, ang “PUSONG PINOY†ng DWIZ 882 KHZ, umiere tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga, hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joy†at Monique Cristobal ay katuwang din ng mga pasyenteng walang kakayahang magpagamot.
Isa na sa lumapit sa programang ito si Chester Regala ng Tanza, Cavite. Hinihingi niya ng tulong ang misis na si Teresita, 37 anyos para sa kanyang Hemodialysis.
Taong 2007, nagkaroon ng Urinary Tract Infection (UTI)—impeksyon sa ihi si Teresita. Pinainom si Teresita ng mga ‘anti-biotic’ at nagamot naman ito.
Abril 2008, tumaas ang ‘blood pressure’ ni Teresita at napansin ni Chester ang pamamaga ng kanyang paa. Sinugod siya sa St. Lukes para ipatingin.
Sumailalim siya sa general laboratory. Kinabukasan, pinabalik siya sa ospital at hindi na pinalabas matapos makitang mataas ang bilang ng kanyang Creatinine. Ang creatinine ay dumi na sanhi ng normal na pagkasira ng mga tisyu. Ang ating kidneys ang sumasala ng duming ito at ang dami ng creatinine sa ihi ng isang pasyente ang nagtutukoy na ‘di na tama kanyang ‘kidney function’.
Sa pagsusuring isinagawa kay Teresa, nalamang may problema ang pareho niyang bato. Maaring Genetic o namana raw ang sanhi.
“Yung mga kamag-anak niya sa father side may mga kapareho niyang sakit,†ayon kay Chester.
Pagtitinda ng isda sa palengke ang pinagkakakitaan ng mag-asawa. Isa raw marahil ang naging dahilan ng sakit niya ay ang pagpipigil nito sa pag-ihi.
“Kapag may costumer kami syempre ‘di basta maiiwan ang paninda. Tapos hindi pa siya mahilig uminom ng tubig,†kwento pa ni Chester.
Sumailalim sa Hemodialysis si Teresa. Tatlong beses sa isang linggo.
Sa tulong ng kaibigang nars na nagtatrabaho sa St. Lukes nabigyan sila ng Social Service Card para bawasan ang kanilang bayarin sa mga ‘check-ups’.
Desyembre 2008, kinausap ni Chester ang kanilang doktor tungkol sa plano nilang pagpapa- ‘transplant’. Hirap silang makakuha ng donor nung una.
“Karamihan ng nilapitan namin natatakot. Kaya sinabi ko sa doktor na kung pwede ako na lang ang magbibigay ng ‘kidney specimen’ ko. Para malaman kung magka-match kami,†kwento ni Chester.
Pinaliwanag ng doktor na sa ‘work-up’ at ‘matching’ na isasagawa sa pagitan ng donor at pasyente, kailangang 2 out of 6 ang bilang ng ‘matched’.
“Four out of six ang nakuha naming mag-asawa. Sobra-sobra pa sa posibleng magka-match…†wika ni Chester.
Halagang Php350,000 ang aabutin ng operasyon. Parehong buwan, itinakda ang kidney transplantation subalit nagkaroon ng ‘pneumonia’ si Teresa kaya’t naurong ito. Nag- ‘lapse’ ang mga ginawang ‘laboratory tests’ kaya’t sa kasalukyang sumasailim muli si Teresita sa hemodialysis--Php2,800 per session.
“Gusto kong maipa-transplant ang misis ko. Isusugal ko po ang buhay ko para ibigay ang isang bato ko sa kanya. Alam ko pong marami pa kaming magagawa para sa tatlong anak namin,†wika ni Chester.
Si Teresita Felix ng Morong, Rizal ay inilalapit naman ang pagpapa-‘chemotheraphy’ ng asawang si Mamerto Felix, 60 taong gulang. Dating public school teacher sa hayskul.
Taong 2011, nakaramdam ng hirap sa pagdumi (constipation) si Mamerto. Nagpatingin siya sa doktor, binigyan siya ng gamot at pinainom ng ‘virgin coconut oil’. Bumuti ang kanyang lagay hanggang taong kasalukuyang buwan ng Hunyo nahirapan siya muling dumumi.
“Dumating sa puntong may kasama ng dugo ang dumi niya,†ani Teresita.
Nagpa- ‘colonoscopy’ si Mamerto. Isang uri ng endoscopic examination kung saan sa pamamagitan ng CCD camera o fiber optic camera, isang flexible tube na ipinapasok sa puwet para masilip ang large bowel at distal-small bowel (parte ng bituka).
Natuklasang may Carcinoma, Stage III, Colorectal Cancer. Ang kaibahan ng sakit na ito sa Colon Cancer malapit sa pinabutas ng puwit (Anus) ang bukol.
“Four cm lang mula sa puwit ang bukol niya kaya 4x13cm ang pinutol na bahagi ng daanan ng dumi,†ayon kay Teresa.
Binaopsy ang bukol at nalamang ‘cancerous’ ito kaya’t nagsimulang i-chemotherapy si Mamerto buwan ng Agosto kasalukuyang taon.
Sa pagtatanong ni Teresita, kung saan maaring nakuha ng asawa ang sakit, ayon sa doktor ang pagkahilig ng miser sa karne ang maaring dahilan.
Walong cycles ng chemotherapy ang kailangan ni Mamerto. Idagdag pa ang ‘chemo drugs’. Dating ‘midwife’ (nagpapaanak) si Teresa subalit natigil siya mula ng magkasakit ang asawa.
“Sana madugtungan ang pagpapachemo ng asawa ko. Sana matulugan niyo ako,†panawagan ng misis.
Iba naman ang sitwasyon ni Regino Cruz ng Cainta, Rizal. Dating singer nung 1978 sa Hong Kong si Regino at sa Japan nung taong 1980’s. Biyudo na siya at may sarili ng pamilya ang mga anak.
Mag-isa siyang nagpagamot ng kanyang sakit sa baga (lungs). May Colon Cancer Stage IV si Regino. Kumalat ang ‘cancer cells’ abot hanggang baga niya kaya’t nakakita ng mga ‘spots’ dito.
“Wala naman akong bisyo kaya malamang nakuha ko ito sa mga kinakain ko,†ani Regino.
Pinayuhan siya ng doktor na kailangan niyang sumailalim sa Chemotherapy, 6 cycles para sa kanyang baga bago siya maaoperahan sa colon.
Hindi pa siya nakakapagsimula ng kanyang gamutan kaya’t nagpunta siya sa “PUSONG PINOYâ€.
“Sana matulungan niyo ko. Nakikitira na lang ako ngayon sa isang kaibigan. Wala na kong malapitan,†wika ni Regino.
“ ‘Wag kayong bibitaw at mawawalan ng pag-asa nandito ang PCSO. Kaagapay ninyo sa inyong paggaling,†pahayag ni Atty. Joy.
MAPAPAKINGGAN ang buong istorya ng mga pasyenteng lumalapit sa amin tulad nila Regino sa programang ‘PUSONG PINOY†tuwing SABADO mula 7:00-8:00AM sa DWIZ882 KHZ.
SA mga may problemang medikal magpunta lang sa 5th floor CityState Center Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Magdala lang ng kopya ng inyong pinakabagong ‘medical abstract’. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038