Pinoy na homeless sa Amerika

MARAMING naghahangad na makarating sa Amerika para mag-trabaho at doon manirahan. May halos “magpakamatay” makakuha lang ng green card. Inaakala nilang nasa Amerika ang magandang oportunidad na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Subalit, pagdating doon, maraming nagiging palaboy!

Nasaksihan ng BITAG Team habang nagra-Ride Along kay Pinoy Patrol Officer Rey Asuncion ng Daly City Police Department ang isang Pinoy na homeless na natutulog sa isang establisimento. Dahil malamig ang klima, pilit niyang isinisiksik at ikinukubli ang katawan sa tagong bahagi ng lugar. Sa di-kalayuan, nakaparada ang isang grocery cart na pinaglalagyan ng karton, blanket at iba pa niyang gamit. Galing ang Pinoy homeless sa Reno, Nevada.

Istrikto ang batas na ipinatutupad sa America. Sa ganitong klaseng mga responde, standard operating procedure sa mga patrol officer ang agarang pag-iimbestiga.  Isinasagawa rin nila ang pagkakapkap sa kanilang subject upang matiyak ang kanyang katauhan at identidad.

Dahil walang nakitang anumang ilegal na gamit ang Pinoy patrol officer agad pinaalis ang pobreng Pinoy. Ayon sa Pinoy na homeless, bibisita sana siya sa kanyang tiyahin sa kalapit na lugar, subalit hindi niya ito inabutan.

Isang masaklap na katotohanan na maraming Pinoy ang nag-aasam na tumira sa Amerika. Subalit pagdating doon, sila’y maituturing na palaboy!

* * *

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Aksyon TV Channel 41 at Radyo 5 o  via live streaming  sa  www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng PINOY-US Cops-Ride Along at BITAG, tutukan at huwag kakaligtaang mag-log on sa  www.bitagtheoriginal.com.

Show comments