Bihira na ngayon ang taong matapat
na sumasaludo sa ating watawat;
Matanda at batang ngayo’y naglalakad
hindi pinapansin banderang pataas!
Mga paaralan sa tuwing umaga
guro’t mga bata obligado sila
Isinasagawa ang taas bandila
ito’y ang “flag raising†banal na adhika!
Mga mamamayang nagyayao’t dito
dapat sa watawat ay sumasaludo;
Subali’t sa ngayon ang ugaling ito
di na alintana nang maraming tao!
Sana kung “flag raising†sa tuwing umaga
tayo ay magpugay sa ating bandila;
Mga estudyanteng sabayan ang kanta
inaawit nila’y awitin ng bansa!
Kasabay ng himig ng Pambansang Awit
lalo’t di malayo ay humintong saglit;
Masdan ang watawat paakyat sa langit –
damdaming pambayan sasaating dibdib!
Subali’t kung ikaw ay parang dayuhan
sa ating bandila’y di ka gumagalang;
Sasapit ang araw lalo’t may digmaan
maituturing kang nagtaksil sa bayan!
Hindi mo minahal ang ating sagisag
kaya sa digmaan wala kang kalasag;
Ang kadakilaang dulot ng watawat –
sa iyong pagyao’y pag-ibig ng lahat!