NGAYON ang taunang World Mission Sunday, ang pagpapalaganap ng tunay na simbahang itinatag ni Hesus sa bato (Pedro) upang ito’y maging matatag at matibay: “Humayo kayo at maging disipulo sa lahat ng bansa. Binyagan sila at ituro ang mga ipinag-uutos Ko.â€
Kahambing nito ang pagpapalaganap at pagtatanggol ni Moises sa bayang Israel laban sa mga kaaway. Habang nakikipaglaban si Josue ay nakataas ang mga kamay ni Moises at humihingi ng awa sa Diyos. Tuwing bababa ang kanyang mga kamay ay natatalo sina Josue kaya patuloy na hawak-hawak nina Aaron at Hur ang mga kamay ni Moises hanggang sila ay magtagumpay.
Ito ang simbolo ng wagas na panalangin at paghingi ng awa sa Diyos. “Sa pangalan ng Maykapal tayo ay tinutulungan.†Ang lingkod ng Diyos ay nagiging handa sa lahat ng mabubuting gawa. Paalaala sa lahat lalo na sa mga mag-aaral na huwag tatalikdang manalangin. Ito ang matibay na pundasyon sa kanilang paghahanda sa kinabukasan. Maging ang Banal na Kasulatan ay ating isabuhay sapagkat ito ang nagtuturo sa atin ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Hesus.
Katulad ng itinuro ni Hesus sa mga alagad na lagi tayong manalangin at huwag manghihinawa sa paghi-ngi sa Panginoon. Kahambing ito sa parabola ni Hesus tungkol sa isang babaing balo na hindi tumigil ng kapupunta sa isang hukom upang humingi ng katarungan. Matigas ang puso ng hukom, walang ginagalang at hindi natatakot sa Diyos. Hindi nagsawa ang balo, lagi niyang ginagambala at kinulit ang hukom. Nainis sa wakas ang hukom at ibinigay sa babaing balo ang katarungan.
“Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa mga dumaraing sa Kanya araw at gabi.†Huwag tayong magsasawang manalangin sa Diyos. Kailanman ay hindi Niya tayo pinabayaan. Kadalasan ay tayo ang nakakalimot sa Kanya. Siya ay ating purihin, pagsisihan ang nagawa nating kasalanan at magpasalamat sa biyaya ng buhay!
Ang pagtataas ng ating mga kamay sa panalangin ay palatandaan ng patuloy nating pagpupuri, pagsamba at pasasalamat sa patuloy Niyang pagkalinga sa atin.
Ex17:8-13; Salmo120; 2Tim3:14 -4:2 at Lk18:1-8