ALAM n’yo bang meron na ring ala-Janet Lim Napoles sa Development Bank of the Philippines (DBP)? Ayon sa aking bubwit, kung merong Mam Janet sa Congress at meron pang Mam Arlene sa Judiciary, meron namang Mam Donna sa DBP.
Matindi si Mam Donna dahil siya ang nagde-decide at nagha-hire ng retirees mula sa PNB, BPI at Metrobank. Mga retirado na subalit ang entry level pagdating sa DBP ay Vice President, Senior Vice President at Executive Vice President. Ang minimum na suweldo ay mula P150,000 pataas depende sa position. Plus benefits katulad ng pa-kotse na galing sa provident fund ng mga empleado. Kaya ang parating sinasabi ni Mam Donna kapag nakapasok ang new recruits ay “welcome to heaven.â€
Ayon sa aking bubwit, wala pa silang contribution sa provident fund ay may car plan na kaagad. Samantalang ang mga opisyal at empleadong 10 taon na sa serbisyo ay hindi makapag-avail ng car plan. Si Mam Donna ay tumatanggap ng P450,000 plus other benefits. Ang abangan daw ay kung magkano ang kanilang magiging bonus baka mahigit pa sa P1-milyong bonus ng mga opisyal ng SSS.Ayon pa sa aking bubwit, ang ikinagagalit pa ng mga empleado ng DBP, ay nag-hire pa si Mam Donna ng 25 retiradong empleado mula sa ibang banko sa halip na mga young blood. Ang mga kinuha ay edad 58 pataas. Walang civil service eligibility. Bukod sa 25 executives, kumuha pa si Mam Donna ng 30 consultants. Kawawa naman ang mga empleado ninyo Mr. President Gil Buenaventura ng DBP. Alam mo na ba ito Finance Sec. Cesar Purisima?
Ang hiling ngayon ng mga empleado ay imbestigahan din ng Kongreso at COA si Mam Donna bago pa maubos ang pondo ng DBP. Si Mam Donna ay kaibigan pala ni Mr. Buenaventura kaya kinuha sa DBP kahit walang alam sa government rules. Siya ay nakapag-migrate na sa Canada kasama ang pamilya subalit bumalik dito dahil gusto raw maglingkod sa administrasyon ni P-Noy. Ang binansagang Mam Donna sa DBP ay si Mam D.S. as in Donna Summer.