NANG Presidente pa si Manila Mayor Joseph Estrada, isa sa mga adbokasya niya ay walisin sa hudikatura yung mga tinatawag na “hoodlums in robes.†Yun bang mga Hukom o Mahistrado na tumatanggap ng lagay sa mga nagdedemanda o idinedemanda kapalit ng paborableng hatol.
Iniutos ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng mga naglilingkod sa hudikatura mula sa mga hukom hanggang karaniwang kawani upang tingnan kung ang buhay nila ay tugma sa kanilang legal na kinikita. Kung masyadong maÂrangya ang buhay at hindi ma-reconcile sa kanilang kinikita, aba mas malamang na may anomalyang ginagawa iyan.
Magmula nang pumutok ang isyu tungkol sa pork barrel scam na kinasangkutan ng ilang mambabatas at ng isang pribadong indibidwal na si Janet Napoles, isa-isa na ring nagputukan ang iba-ibang kontrobersya gaya nang pagbibigay ng milyong pisong bonus sa mga board members at opisyal ng mga korporasyon ng gobyerno gaya ng Social Security System at Philhealth.
Mabuti ang lifestyle check kung gagawing regular at hindi lang tuwing may sumusulpot na kontrobersya. Sabi ng barbero ko’ng si Mang Gustin: “hindi yung lifestyle check na milyon pisong tsekeng ipinamamahagi para umangat ang lifestyle ng mga opisyal ng gobyernoâ€.
Nabahala si CJ Sereno nang mapabalita ang tungkol sa isang pribadong taong nagngangalang “Ma’m Arlene†na may malakas na impluwensya daw sa hudikatura at umaareglo sa mga kaso. Masahol pa raw kay Napoles kung tumabo ng pera ang taong ito.
Knowing CJ Sereno as a devout Christian, alam kong hindi niya pababayaang di maresolba ang isyung ito. Nakipag-usap siya sa Department of Justice para magsagawa ng parallel probe sa pamamagitan ng NBI kaugnay ng anomalyang ito bukod sa ginagawa na ng Korte Suprema.
Vigilance is the name of the game. Kung ang pagsilip sa kabuhayan, lalu na ng mga mataas na opisyal ng gobyerno ay gagawin lang kapag may kontrobersya, walang institutional effect iyan. Mauulit at mauulit ang mga katiwalian kapag nanlamig ang isyu.
Ang pagiging mapagmatyag ay dapat ding isagawa ng mga mamamayan na siyang pangunahing stakeholders sa gobyerno. Hindi tayo dapat manghinawa sa pagpuna sa mga kapalpakan at katiwalian nagaganap sa pamahalaan.