KAYA naman pala hindi mapatigil ni Vice Mayor Isko Moreno itong pagbibiyahe ng mga kuliglig sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng City Coucil of Manila ay dahil umiiwas ang mga tindera ng gulay sa pananalakay ng mga “batang hamog’’ na kumukulimbat ng kanilang mga kargamento. Ayon sa mga nakausap kong maggugulay matapos ang madugong aksidenteng naganap sa tapat ng Raja Sulayman noong gabi ng Oktubre 4. Napipilitan silang suwayin ang batas trapiko ng Manila tuwing pagsapit ng gabi upang makaiwas sa mga mandarambong na nagÂlipana sa kahabaan ng Taft Avenue at M.H.Del Pilar Streets mula Malate hanggang Ermita. Wala kasing pulis na nagbibigay sa kanila ng proteksyon. Wala naman silang magagawa dahil tumitiyempo ang mga “batang hamog†sa mabagal na daloy ng trapiko kung tumira ng mga kargamento. Kaya kahit na bawal ang “kuliglig†sa Roxas Blvd. ay sinusuong ng mga ito ang panganib sa buhay. Sa hirap kasi ng buhay at kapiranggot lamang ang tubo sa mga paninda hindi maipagkaila na “kuliglig†lamang ang kayang upahan ng mga ito.
Aba mga suki! Hindi papayag si President Mayor Joseph Estrada sa sumbong na ito ng mga maggugulay, kasi nga pusong masa si Erap at ang mga mahihirap nating kababayan ang nagluklok sa kanya sa pagka-presidente ng bansa at ngayon sa kaharian ng Maynila. Nakikita kong kulang ang ipinapakitang gilas ni MPD director Chief Supt. Isagani Genabe sa pagpapakalat ng mga pulis sa mga lansangan. Kasi nga kung nais talagang maging ligtas ni Genabe ang mga biyahero at publiko, nararapat lamang na ikalat niya ang mga pulis sa kalye sa araw at gabi. Puro roll call ng attendance sa umaga at hapon lamang ang nakikita sa MPD headquarters subaÂlit kulang ang pulis sa kalye. Ano ba yan Sir? Kasi nga pagkaÂtapos ng roll call nagsisiuwian na ang mga tusong pulis at ba-balik na lamang ang mga ito sa muling pag-roll call sa hapon. Mas takot kasi silang ma-late o ma-absent sa roll call dahil tiyak na matatapon sila outside Manila, hehehe!
Pero sa trabaho negative ang tingin ng Manileños sa Manila’s Finest sa ngayon. At ang masakit pa ayon sa aking mga kausap, mas mainit ang kampanya ng MPD sa gambling dahil madaling umareglo ang gambling operators. Subalit ang pag-neutralized sa mga kriminal sa kalsada ay wa pansin. Kulang na kulang ang kampanya ng MPD sa solvent boys o palaboy na naglipana sa kalye. Kung mabigyan lamang ng pansin ang reklamo ng mga biyahero ng gulay tiyak na mapipilitan na silang dumaan sa Taft Avenue at M. H. del Pilar na ligtas sa mga kaskaserong motorista. Kilos General Genabe at baka mapuno ang salop ni President Mayor Estrada. Abangan!
Mas takot kasi silang ma-late o ma-absent sa roll call dahil tiyak na matatapon sila outside Manila, hehehe!
Pero sa trabaho negative ang tingin ng Manileños sa Manila’s Finest sa ngayon. At ang masakit pa ayon sa aking mga kausap, mas mainit ang kampanya ng MPD sa gam-bÂling dahil madaling umaregÂlo ang gambling operators. Subalit ang pag-neutralized sa mga kriminal sa kalsada ay wa pansin. Kulang na kulang ang kampanya ng MPD sa solvent boys o palaboy na naglipana sa kalye. Kung mabigyan lamang ng pansin ang reklamo ng mga biyahero ng gulay tiyak na mapipilitan na silang dumaan sa Taft Avenue at M. H. del Pilar na ligtas sa mga kaskaserong motorista. Kilos General Genabe at baka mapuno ang salop ni President Mayor Estrada. Abangan!