KUNG korporasyon man ang Social Security System (SSS), ito ay isang korporasyon ng pamahalaan at ang mga pangunahing stakeholders ay ang mga empleyadong kasapi sa ahensya na naghuhulog ng monthly contributions.
Matiyagang naghuhulog ang mga private workers dahil pagnegretiro sila, may aasahan silang pension.
Malaking kalokohan na ikatuwirang “legal at moral†ang pagbibigay ng tig-isang milyong pisong bonus sa bawat board member ng ahensya porke hindi raw nagmula sa salapi ng mga miyembro ang ipinamudmod na kuwestyonableng bonus. Nagmula daw ito sa kinita ng SSS.
O sige, ipagpalagay na nating kumita ang SSS. Pero saan ba galing ang puhunan nito? Hindi ba mula sa kontribusyon ng mga members na inilagak marahil sa investment kaya kumita?
Kung magkagayon, hindi tamang sabihing hindi kuwarta ng mga miyembro ang kinita ng naturang ahensya.
At lalung walang lohika ang pahayag ng Malacañang na hindi ito puwedeng makialam sa desisyon ng SSS. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pa naibibigay ang nasabing bonus pero nasa desisyon na ito ng board ng SSS kung itutuloy o hindi.
Sa kapakanan ng taumbayan, hindi dapat maghugas ng kamay ang Malacañang. Kasi ang ano mang palpak na serbisyo ng alin mang sangay ng pamahalaan, Presidente ng bansa ang tinatamaan. Hindi ba sadyang nakakakulo ng dugo na daragdagan pa raw ng anim na porsyento ang kaltas ng mga SSS members dahil kapos sa pondo ang ahensya, tapos yung mga matataas na opisyal ay bibigyan ng tig-isang milyong pisong bonus? Garapalan na iyan!
Kung totoong hindi pa naibibigay ang bonus, dapat mamagitan ang Malacañang at gumamit kahit ng moralsuation para mabuhayan naman ng konsensya ang mga matataas na opisyal ng SSS.
Mabuti sana kung maganda ang serbisyo nito pero maraming nagrereklamo sa kupad ng pagre-release kahit ng mga ID cards ng mga miyembro. Isa lang ang masasabi ko sa pamunuan ng SSS. Makonsensya naman sana kayo. ahensya, tapos yung mga matataas na opisyal ay bibigyan ng tig-isang mil-yong pisong bonus? Garapalan na iyan!
Kung totoong hindi pa naibibigay ang bonus, daÂpat mamagitan ang MaÂlacañang at gumamit kahit ng moralsuation para mabuhayan naman ng konsensya ang mga matataas na opisyal ng SSS.
Mabuti sana kung maÂganda ang serbisyo nito pero maraming nagrerekÂlamo sa kupad ng pagre-release kahit ng mga ID cards ng mga miyembro. Isa lang ang masasabi ko sa pamunuan ng SSS. Makonsensya naman sana kayo.