MADALAS akong naglalagi ngayon sa Butuan City, lugar kung saan nagtapos ako ng elementary at high school sa mga paaralang publiko. Bagamat ako’y ipinanganak sa Capiz, isang taon pa lamang ako noong 1948 nang mag-migrate ang aking pamilya sa Mindanao na tinagurian noon na “land of promise.†Ang tatay kong si Federico ay isang beteranong tenyente ng World War 2. Nabayaran siya ng backpay na pinambili niya ng sakahan sa Compostela Valley. Ang nanay ko naman na si Lourdes Villareal ay pinsan ng dating Speaker na si Cornelio T. Villareal.
Hindi naging matagumpay ang sakahan at noong 1957, lumipat kami sa Butuan kung saan ang aking tatay ay naging matagumpay na branch manager ng Insular Life at ang nanay ko naman ay nagkaroon ng mga pampasaherong tricycle at maliliit na bahay na paupahan.
Dahil sa marangal na hanapbuhay, napagtapos nila kaming limang magkakapatid sa kolehiyo sa Maynila: Ako na pangatlong anak ay sa UST at San Beda; si Nonoy na panganay, sa Mapua Institute of Technology; si Virgie na pangalawa ay sa PWU; si Rey na pang-apat ay sa UST at si Ike na bunso ay sa UP. Para sa aming lahat ang Mindano ay hindi lamang “land of promise†kundi “land of fulfilled promises.â€
Magmula 1972, nag-practice ako ng law sa Maynila at namasukan sa Department of Labor hanggang nadestino noong 1983 sa ibayong dagat bilang labor attaché at ambassador. Nang magretiro ako noong 2005 bilang chairman ng NLRC, bumalik ako sa Butuan at tumira sa tabi nang napakalawak na Agusan River. Ang aking bahay ay mga 10 metro lamang ang layo sa higanteng ilog pero hindi ako natatakot may climate change man o wala. Para sa akin, ito ang pinaka-climactic way of communicating with nature. I’m sleeping with the river ‘ika nga.