^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magastos na pagkain ng taga-DENR

Pilipino Star Ngayon

MULA nang umalingasaw ang pagbubulsa ng milyong piso mula sa PDAF o pork barrel ng mga mambabatas, naging sensitibo na ang taumbayan sa mga katiwaliang nangyayari sa pamahalaan. Poot na poot na ang taumbayan at nagiging mapagmatyag na sila sa kasalukuyan. Kaya nang lumutang ang isa pang kahawig ng PDAF na tinawag na DAP, muli na namang nagngalit ang mga ngipin ng taumbayan at desididong magsagawa nang mga sunud-sunod na rali’t protesta para tutulan ang anumang uri ng “pork”.

Hindi na mapipigilan ang taumbayan sa pagpapahayag ng kanilang galit sa mga kawatan at walang taros gumastos gamit ang pera ng taumbayan. Namulat na ang taumbayan na habang marami ang naghihirap, walang makain at may malubhang sakit, enjoy na enjoy naman ang mga kawatan sa paglimas sa kaban ng bayan.

Maraming tanggapan din ng pamahalaan ang wa-lang pigil sa paggastos ng perang hindi naman sa kanila. At kabilang diyan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gumastos sa pagkain sa halagang P22 milyon. Habang maraming nagtitipid sa sandakot na kanin at kapirasong tuyo, gumagastos naman pala ang DENR nang sobra-sobra sa nakalaang budget. Nagpapakasawa sila sa pagkain.

Ayon sa ginawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA), kapag may routine meetings ang DENR, sobra silang gumastos sa binibiling pagkain para sa lunch, meryenda at mga panghimagas pa. Binibili umano ang mga pagkain sa mga kilalang restaurant. Gumastos din daw nang malaki sa catering services ang DENR noong 2012. Ayon pa sa COA dapat gumastos lamang ang DENR nang ayon sa approved nilang budget.

Ang pagkakabuking ng COA sa malaking gastos ng DENR sa pagkain ay nagluluwal nang maraming katanungan. Sino ang kanilang pinakakain nang ganoon karami? Bakit napakalaki ng gastos? At habang gumagastos sila nang napakalaki, walang nakikitang pagbabago sa kapaligiran lalo na sa Metro Manila. Napaka-polluted ng hangin. Maraming sasakyan ang nagbubuga ng nakalalasong usok at walang kam-panya laban sa mga ito ang DENR. Patuloy din ang illegal loggers sa pagkalbo sa mga kagubatan.

Gumagastos nang malaki ang DENR pero wa-lang kabuluhan.

AYON

BAKIT

BINIBILI

DENR

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GUMAGASTOS

MARAMING

METRO MANILA

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with