Pagpupugay sa mga guro

NOONG Oktubre 5, ipinagdiwang ang World Teachers’ Day sa pangunguna ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Dito sa ating bansa ay kulminasyon naman ito ng National Teachers’ Month na ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 taun-taon.

 Ang tema ng World Teachers’ Day 2013 ay “A Call for teachers” bilang panawagan para sa pagpaparami pa ng mga titser na magsusulong ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng panig ng daigdig.

Ayon sa UNESCO, “…teachers are the most powerful force for equity, access and quality education. Quality education offers hope and the promise of a better standard of living. There is no stronger foundation for lasting peace and sustainable development than a quality education provided by well trained, valued, supported and motivated teachers.”

 Kaugnay nito ay nanawagan si Senator Jinggoy Ejercito Estrada sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang kanyang mga panukala para sa mga titser, partikular ang: 1.) Senate Bill 781 (proposed Public School Teachers’ Tax Incentive Act) – pagtatakda ng tax exemption sa allowance at mga benepisyo ng mga public school teacher, kabilang ang mga nasa state colleges and universities; 2.) SB 754 (Teachers’ Housing Program) – housing loans na may affordable interest at long-term repayment period; 3) SB 1301 (National Teachers’ Act) – pagpapatupad ng Teacher Corps Program na ibayong magpapaunlad sa teaching profession; 4.) SB 1555 (Teaching Profession Act) – pagtatatag ng National Teachers Academies para sa ispesyalisasyon ng pagtuturo ng mga batayang kasanayan tulad ng basic skills and literacy instruction, civics and government, mathematics, economics, life sciences at iba pa; at 5.) SB 735 (Magna Carta for Public School Teachers) – pagpapatibay at pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga guro.

 Ayon kay Jinggoy, “I salute all the teachers for their unwavering service to educate and develop the Filipino youth into becoming productive citizens of the country and partners in nation building. Ito ay magandang pagkakataon upang ipakita natin ang ating taos-pusong pasasalamat at pagsaludo sa ating mga bayaning guro.”

Show comments