MAY mga bago nang opisyal sa Bureau of Customs. Mga bagong pangalan na inaasahang magdudulot daw ng kinang sa marusing na Customs. Sila raw ang magbabangon sa Customs.
Pagkaraan ng apat na buwan, mula nang ha-rap-harapang sermunan ni President Aquino ang Customs, naipatupad din ang revamp. Nailipat na raw ang “tatlong hari†at limang bagong opisyal ang nailagay sa puwesto. Isa sa mga nilagay sa puwesto ay si retired Armed Forces chief Gen. Jessie Dellosa na hinirang na deputy commissioner for enforcement at officer-in-charge of intelligence division. Dalawang puwesto ang inokupa ni Dellosa. Siya ay tubong Tarlac at na-ging hepe ng Presidential Security Group (PSG) ni dating President Cory Aquino, ina ni P-Noy. Ang iba pang inilagay sa puwesto ay sina Trinidad Rodriguez, Myrna Chua, Primo Aguas at Agaton Teodoro Uvero.
Malaki ang tiwala sa kanila ni P-Noy. Kapag naipatupad nila ang mga pagbabago, maaaring hindi na ulitin ng Presidente ang pagsesermon na gaya ng ginawa niya noong Hulyo 22, 2013 nang siya ay mag-SONA. Sabi ni P-Noy: “Walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?â€
Malaki ang inaasam ng Malacañang sa mga bagong hirang. Hindi lamang ang mataas na revenues kundi pati na rin ang paglipol sa mga “hayok†na “buwaya†sa Customs. Bago maaabot ang mataas na revenues dapat unahin muna ang mga “buwayaâ€. Simulan na ang paglipol para mapatunayan na karapat-dapat sila sa puwesto. Tiyak na matutuwa ang taumbayan kung mawawala ang mga hayok na “buwaya†sa Customs.