MARAMING ospital ang nananamantala at pilit nag-papabayad sa mga bagong nurse na nangangailangan ng skills training o experience!
Matagal na ang ganitong kalakaran sa bansa. Walang pumapansin o sadyang hindi lang talaga pinapansin dahil kinamulatan na ang ganitong baluktot na sistema. Sa madaling sabi, ang mga “boluntaryong†nars na gustong matuto ng “aktuwal†sa kanyang kinuhang kurso, obligado munang magbayad ng training fee!
Garapalang nangyayari ito sa ilang mga ospital. Maaaring wala lang may lakas ng loob na magsalita dahil halos lahat, nag-aasam na matuto at makahanap ng magandang oportunidad sa labas ng Pilipinas.
Isa sa mga kwalipikasyon kasi ng mga nangangarap makapagtrabaho sa ibang bansa ang experience sa kanilang propesyon. Dahil obligadong magkaroon muna ng actual training, ang mga pamunuan naman ng mga ospital, kanya-kanya sa kanilang “raket.†Ibig sabihin, ang mga pobreng nars na ang dehado, sila na ang gamit na gamit sa pagseserbisyo sa ospital, sila pa ang pinagbabayad.
Isinusulong na ang House Bill 415 sa Kongreso na naglalayong matigil na ang ganitong mga baluktot na sistema sa mga ospital sa bansa. Sana lang maging seryoso ang mga mambabatas sa pagsulong at pagpasa nito upang hindi na mapagsamantalahan pa ang mga pobreng propesyunal na ang tanging inaasam lang ay matuto at maging magaling sa kanilang larangan.
Hindi dapat pinagkakakitaan ang mga bagong nars! Hindi dapat sila obligadong pinagbabayad! Sa halip, gamitin sila sa mga ospital at gabayan para matuto at umunlad ang kanilang buhay.
* * *
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga episode ng Pinoy-US Cops – Ride Along at BITAG, ugaliing mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.