^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gaano karami ang mapapakain ng P50-M?

Pilipino Star Ngayon

MILYUN-MILYONG piso ang pinag-uusapan ngayon. Mula nang mabulgar ang sandamukal na pera na nakuha umano ni Janet Lim Napoles sa PDAF ng mga mambabatas, karaniwan na lamang ang milyones. Marami raw pera ang hinahakot sa condo ni Napoles na ang hindi magkasya sa malaking kama, ay nilalagay na sa bathtub. Pero kung grabe ang pananagana ni Napoles, ganundin ang pananagana ng mga senador na hinalal ng taumbayan.

Tig-P50 milyon umano ang pinagkaloob sa mga senador na bumoto pabor sa conviction ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong isang taon. Ito ang binulgar ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang isang oras na talumpati sa Senado noong Miyerkules. Si Jinggoy ay isa sa mga kinasuhan ng DOJ at NBI dahil sa misuse ng kanyang PDAF. Nagsalita si Jinggoy dahil sa pagkakadawit sa pork barrel scam at sa tingin niya, dinidikdik sila ng Commission on Audit. Hanggang sa isiwalat niya ang tungkol sa P50 milyon na pinamudmod sa mga senador.

Nakalulula ang binulgar ni Jinggoy. Bakit kaila-ngang bigyan ng ganoon kalaking halaga ang mga mambabatas na ang trabaho ay gumawa ng batas? Bakit kailangang bigyan ng incentives na nagmula rin naman sa buwis ng taumbayan?

Habang marami ang naghihirap at problemado kung saang kamay ng Diyos kukunin ang gagastusin sa araw-araw, marami naman ang nakahiga sa salapi na galing sa buwis ng taumbayan. Habang marami ang maysakit na nakapila sa mga government hospital para makapagpagamot may mga tao namang walang patid kung lumustay ng pondo ng bayan. Habang marami ang mga magulang na namumroblema kung saan kukunin ang pang-tuition ng mga anak, mayroon namang mga pulitiko na abroad nang abroad at ang iba ay nagpapagawa ng bahay sa mga eksklusibo at mayayamang subdibisyon.

Ang P50 milyon ay marami nang maralita ang mapapakain at madudugtungan ang buhay. Pero hindi iyan nalalaman ng mga inihalal ng taumbayan. Ang alam lang nila ay ang makabubuti para sa kanilang sarili. Wala silang pakialam kahit may mga nagugutom, maysakit at may inaapi.

BAKIT

HABANG

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

NAPOLES

PERO

SI JINGGOY

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with