Si Duterte ang nararapat na mediator

KUNG ako kay P-Noy huwag na niyang ituloy ang pakikipaglagdaan ng Bangsamoro Peace Agreement sa MILF dahil hindi naman nito kontrolado ang rebellion sa Min-danao. Isa lamang ang dahilan ng Pilipinas kung bakit ito ay papasok sa kasunduang pangkapayapaan sa MILF — para magkaroon na ng pangkalahatan at pangmatagalang kapa-yapaan sa Mindanao. Anong silbi ng pakikipagkasunduan sa MILF kung magpapatuloy din naman ang gulo.

Sa halip na ang AFP at PNP at si P-Noy na ating commander in chief ang humarap at nakikipagdigmaan sa MILF at BIFF, dapat inatasan na lamang ni P-Noy ang MILF na sila ang sumugpo sa pag-aalburuto ng MNLF at BIFF para mapatunayan ng MILF na sila lamang ang katapat ng gobyerno at wala nang iba. Sa halip na ganito ang nangyari, kukuya-kuyakoy lamang si Murad Ebrahim at ang MILF habang si P-Noy at ang AFP ay hirap na hirap sa pakikipagdigmaan sa MNLF at BIFF.

Kung may delikadesa ang MILF, may mukha pa ba silang ihaharap sa pamahalaan para makipagpirmahan ng Bangsamoro peace settlement?

Kapag ang word na “Bangsamoro”ang pinag-uusapan, hindi lang yan exclusive sa MILF. Kaya unless na maipaliwanag ng MILF ang kanilang pagka-ampaw at ang nakabibinging katahimikan noong kasagsagan ng digmaan sa Zamboanga at Midsayap, mahiya naman sana silang humarap kay P-Noy para makipagpirmahan ng Bangsamoro peace settlement.

Mukhang nagtiwala nang husto si P-Noy sa mga payo ni Presidential Peace Adviser Teresita Deles. Maliwanag na sa lahat ngayon na ang recipe for peace na niluto ni Deles ay kulang sa rekado dahil hindi niya isinama sa peace negotiation ang MNLF at BIFF.

Ang pinaka-magandang gawin ni P-Noy sa Mindanao ay back to square one: Palitan  niya si Deles at yayain niyang umupo sa negotiating table si Nur Misuari, Murad Ebrahim at iba pang lider ng mga rebelde sa Mindanao. Huwag na niyang yayain ang Malaysia na mag-mediator. Si Mayor Rody Duterte na lang dahil malaki ang respeto sa kanya ng Muslim Filipinos. Ang butihing mayor ay walang selfish o ulterior moti-vation unlike Malaysia na inaangkin ang Sabah.

 

Show comments