^

PSN Opinyon

Sindikato umaaray sa policy ni Alcala

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

UMAARAY na raw ang mga sindikato ng bigas sa mahigpit na patakaran ng Department of Agriculture  laban sa rice importation.

Lagi nating nababasa ang mga tuligsa kay Agriculture Sec. Proseso Alcala kasabay ng mga panawagang palitan na siya sa departamento.

Para naman maging patas, hiningan natin ng panig ang DA sa isyung ito. Ayon kay Agriculture Undersecretary for operations Dante Delima, ang mga paninira  laban sa DA ay posibleng kagagawan mismo ng mga cartel ng bigas na nasasaktan sa anti-rice import policy ng DA.

Pinabulaanan ni Delima ang pahayag sa Senado ni Director Romeo Reside ng Bureau of Agricultural Statistics na waring sumusuporta sa mga panawagan na mag-angkat ng kalahating milyong tonelada ng bigas ang bansa. Dagdag ni Delima, gusto ng mga sindikato na  palitan si Alcala ng isang taong susuporta sa importasyon. Kasabay nito’y tiniyak ni Delima na patuloy na isusulong ng DA ang programa sa rice sufficiency.

Tiyak nga naman na malaki ang tong-pats at kickback sa ganyang klase ng mga importasyon pero  kung magpapatuloy iyan, kailan pa tayo puwedeng magsarili?

Mula raw sa 2.3 milyong tonelada ng bigas na inangkat noong 2010,  napaliit daw ng DA ang importasyon sa 1.06 tonelada na lamang noong 2011. Lalu pa umano itong bumaba sa 688,559 na lamang nung nakalipas na taon na bumagsak pa sa mahigit sa dalawang libong tonelada na lamang sa taong ito as of July 18.  

Tumaas din umano ang produksyon ng palay ng 5.78 porsiyento  mula 15,772,319 noong 2010  na na-   ging 16,684,062 noong 2011. Noong nakalipas na taon ay lalu pang tumaas ang produksyon nang 8.08 percent o mahigit 18 milyong tonelada na naging pinakamataas na produksyon ng bigas na naitala sa kasaysayan ng agrikultura sa Pilipinas.

Estadistika ang panlaban ng DA, ani Delima para pasinungalingan ang mga paninira ng mga galamay ng rice syndicate sa DA. Kaya yung mga nagdududa raw sa kakayahang maiangat ng DA ang produksyon ng bigas ay magpunta na lamang sa tanggapan nito at busisiin ang mga dokumentong may statistics. ay lalo pang tumaas ang produksyon nang 8.08 percent o mahigit 18 milyong tonelada na naging pinakamataas na produksyon ng bigas na naitala sa kasaysayan ng agrikultura sa Pilipinas.

Estadistika ang panlaban ng DA, ani Delima para pasinungalingan ang mga paninira ng mga galamay ng rice syndicate sa DA. Kaya yung mga nagdududa raw sa kakayahang maia-ngat ng DA ang produksyon ng bigas ay magpunta na lamang sa tanggapan nito at busisiin ang mga dokumentong may statistics.

AGRICULTURE SEC

AGRICULTURE UNDERSECRETARY

BIGAS

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

DANTE DELIMA

DELIMA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DIRECTOR ROMEO RESIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with