P10 million talo sa empleado ng BOC sa sabong
IBINALITA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may isang empleado dyan sa Bureau of Customs na kilala sa tawag na alyas ‘Toto bakal’ ang natalo ng P10 million sa sabong two Monday’s ago.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natalo si ‘Toto bakal,’ ng magsugal ito sa isang bagong renovate na sabungan dyan sa Paranaque City kaya naman ng mangyari ito ay napatungagan lamang daw ito ng ilang segundo at nagyaya ng umuwi.
Ika nga, malas daw?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming salaping nakamal si alyas ‘Toto bakal’ dahil kasabwat ito ng mga smuggler na walang ginawa kundi ang magpalusot sa aduana.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakabili pa raw ng condo unit si alyas “Toto bakal’ sa isang lugar dyan sa The Fort dahil malaki ng kinita nito sa Bureau of Customs.
Ikinanta ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasabit na rin si alyas ‘Toto bakal’ noon panahon diumano ni Boy Morales sa bureau kaya lang dahil sa limpak-limpak ang pera nito sa lunggang pinagtataguan niya ng salapi ay nagawan niyang tapalan ang mga bibig, mata at tenga ng mga bugok na kausap niya diumano sa Civil Service para siya tulungan?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Hindi naman sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung paano o anong kaso ang sinabitan ni alyas ‘Toto bakal’ sa BOC noon.
Ibinida rin ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nakabili rin ng isang rantso sa Lipa, Batangas si alyas ‘Toto bakal’ kaya naman astang Don Bakal ito kung pumorma ngayon.
‘tiyak na hindi nakuha sa sinasahod monthly ni alyas Toto bakal sa Bureau of Customs ang salaping pinatalo nito sa sugal, ibiniling hacienda at condo unit sa The Fort.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.
Si Marinduque Rep. Reyes sa mga biktima ng Zambo crisis
HINDI birong halaga ang kailangan para sa pagsasa-ayos ng mga nasirang haybol, infrastructures at ekonomiya sa nangyaring giyera patani sa Zamboanga for the last several days.
Kaya naman gusto ni Marinduque Rep. Regina Reyes kasama ang mga neophyte na mga kongresista na suportahan ang resolution ng Kongreso para mag-chip in sila sa pagbibigay ng katulong este mali tulong pala bilang financial assitance sa mga naapektuhan ng giyera patani sa nasabing place.
Dama ni Reyes ang sakit na nangyari sa mga naapektuhan dyan sa Zamboanga kaya naman nakikiisa ito sa pagtulong para kahit papaano ay makapagbigay sila ng kaunting halaga na puedeng magamit ng mga biktima sa Zambo.
Ikinuento ni Reyes sa mga kuwago ng ORA MISMO, ‘one for all, all for one’ kaming lahat sa Kamara dahil sinusuportahan namin ang inisyatibo ni House Speaker Sonny Belmonte para makatulong kahit papaano sa mga affected families na naipit sa giyera patani.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa si Rep. Reyes sa mga unang lumagda sa House Resolution 303 na humihimas este mali humihimok pala sa bawat kongresista na magbigay ng salapi bilang tulong pinansiyal sa mga biktima ng giyera patani sa Zambo..
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, willing pala ang 289 kongresista na tumulong kaya P10 thousand ang kukunin sa kanilang personal na sahod kaya tiyak may kabuuan itong P2.89 million.
Sabi nga, palakpakan silang lahat !
Ika nga, Mabuhay kayo !
- Latest