^

PSN Opinyon

Whistleblower anonymous

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA weekly forum ng Capampangan in Media Inc. (CAMI) sa Bale-Balita sa Clark Freeport Zone, Pampanga,  mainit na paksa ang tungkol pa rin sa naguumalab na P10 billion Pork Barrel scam.

Para sa aming panauhin na si dating Kongresista Willie Villarama ng Buhay Partylist, may solusyon para di na maulit ito hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa pribadong sektor. Kailangan lamang aniya na maging mapagmatyag ang publiko at handang makipagtulungan sa pagbubunyag ng mga katiwalian sa pamahalaan. Dapat daw, bawat isang Pilipino’ng may nalalamang anomalya ay nakalaan para maging whistleblower.

Kung hindi nga naman dahil sa isang Benhur Luy na kamag-anak at dating empleyado ni Janet Lim Napoles, hindi nabunyag ang eskandalo sa pagwaldas ng salapi ng bayan sa pakikipagsabwatan ng ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pribadong sektor gaya ng mga pekeng non-government organizations ni Napoles. 

“We, at least the majority of us, must be ‘whistleblo-wers” in order to check the activities of grafters and corrupt members of our society,”  ani Villarama. Dagdag niya, tayong mga mamamayan ang dapat manguna  sa laban kontra korapsyon.

Pero sa tingin ko, hindi tunay na malasakit sa bayan ang nagbunsod kay Luy para ibulgar ang katiwalian kundi dahil sa dinanas niyang pang-aapi umano sa kanyang employer na si Napoles na kinasuhan niya ng illegal detention. In any case, pasalamat na rin porke sa rebelasyon ni Luy, nalaman ng taumbayan ang eskandalong ito.

Mantakin mo nga naman na bawat Senador  ay tuma­tanggap ng alokasyon P200 million, at ang mga kinatawan ng  House Representatives ay  P70-million taun-taon ang alokasyon na dapat ay ginugugol lamang sa kanilang mga proyekto at hindi ibinubulsa. 

Maganda ang panukala ni Villarama na magkaroon ng Whistleblower Protection Program tulad ng sa America para maka-engganyo ng taumbayan ng magbunyag ng kanilang nalalamang katiwalian. Kawawa kasi ang mga naunang lumantad na whistleblowers tulad ni Jun Lozada na kalaunan ay siya pa ang ipinagharap ng demanda.

 

Maganda ang panuka-la ni Villarama na magkaroon ng Whistleblower Protection Program tulad ng sa America para maka-engganyo ng taumba­yan ng magbunyag ng kanilang nalalamang katiwalian. Kawawa kasi ang mga na­unang lumantad na whistleblowers tulad ni Jun Lozada na kalaunan ay siya pa ang ipinagharap ng demanda.

 

BENHUR LUY

BUHAY PARTYLIST

CLARK FREEPORT ZONE

HOUSE REPRESENTATIVES

JANET LIM NAPOLES

JUN LOZADA

VILLARAMA

WHISTLEBLOWER PROTECTION PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with