Congresswoman, hiniwalayan ng mister nang mahuling nakikipaglampungan sa guwapong congressman

ALAM n’yo bang hiniwalayan ng asawa ang isang congresswoman nang mahuli itong nakikipaglampungan sa isang matulis na congressman?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mr. Joe Taruc ng DZRH, Rey Langit ng DWIZ, dating DPWH Sec. Ping de Jesus, Atty. Jimmy Policarpio, Bro. Winston Sena, Prosecutor Rommel Calupig, Dr. Tito Jaramillo at Atty. Eddie Jara, VP ng SSS Mindanao.

Ayon sa aking bubwit, bago pa naging miyembro ng House of Representatives si Madam ay madalas na itong nakikipag-deal sa mga congressmen. Siya ay isa sa mga ahente noon ng kontrobersiyal na businesswoman na nakakulong ngayon. Siya ay naging supplier at nakikipag-deal para sa projects ng mga mambabatas mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Upang makakuha ng projects mula sa mga kongresista at magkaroon nang malaking komisyon, itong si Madam ay nagreregalo ng mga seksing prosti. Kung minsan, siya na mismo ang nakikipag-date sa mga kongresista lalo na kung type niya.

Dahil sa ganitong trabaho ni Madam noon, nagduda ang kanyang mister. Nag-hire si Mister ng private investigator at nakumpirma niya na nakikipag-date nga si Madam sa ilang kongresista para makakuha ng kontrata. Sa isang pagkakataon, sinundan ni Mister si Madam at presto, nahuli niya ito na nakikipaglampungan sa isang congressman sa loob ng BMW X5 na pag-aari ni Madam. Hindi naman nag-eskandalo si Mister. Hiniwalayan na lamang niya si Madam. Nang maghiwalay, kumandidato si Madam at nanalong kongresista sa kanilang probinsiya sa Mindanao.

Ayon sa aking bubwit, ang congresswoman na hiniwalayan ni Mister dahil nahuling nakikipag-date sa isang guwapitong congressman sa Central Luzon ay si Congresswoman N. as in Nadale. At ang naka-date niyang congressman ay si Congressman C. as in Cantor.

Show comments