ANO ito? Inunahan na ng isang pribadong samahan sa pagsasampa ng plunder case ang Department of Justice laban kay Janet Lim Napoles at mga mambabatas na dawit sa P10 bilyong pork barrel scam. Baka ma-double jeopardy iyan!
Ang kasong iniharap ng Citizen Crime Watch ay base lamang sa mga newspaper report, paanong magkakaroon ito ng merito?
Reklamo ng CCW, usad pagong ang kaso ng pagsasampa ng demanda laban sa mga mambabatas at mga kasabwat sa “pork scam.†Limang Senador at 23 Kongresista ang kinasuhan ng CCW sa tanggapan ng Ombudsman.
Tutal, inihayag nung isang linggo ni DOJ Sec. Leila de Lima sa harap ng Senado na malamang isampa na rin nila ang kaso sa araw na ito ng Lunes, sana’y naghintay na lang ang CCW. Nangangamba kasi ako na baka ang iba-ibang magsasampa ng kaso ay makagulo lamang sa usapin at sa halip makamit ang hustisya ay baka makalusot pa ang mga dapat managot.
Kasi, ang ginawang basehan sa pagsasampa ng kaso ng CCW ay pawang mga media reports lang. Iyan mismo ang sinabi ni Atty. Jose Malvar Villegas ng CCW. Kung sanang libel case lang iyan at ang idinedemanda ay ang reporter na sumulat ng istorya, puwedeng maging basehan sa pagsasampa ng demanda.
Si Ombudswoman Conchita Carpio Morales mismo ang nagsabi kamakailan na ang report mismo ng Commission on Audit (COA) na nagsasaad ng iregularidad sa paggastos sa pork barrel ay hindi pa sapat na ebidensya para idiin ang sino mang isinasangkot sa anomalya.
Sabi naman ni de Lima, inihahanda nila ang isang “airtight†na kaso para tiyaking walang lulusot sa mga hinihinalang sangkot sa iskandalo. Sa mga pahayag na iyan ng mga ahensyang kalahok sa pagsasampa ng demanda ay nagbibigay ako ng benefit of the doubt.
Lahat tayo ay naghahangad sa makatarungang resolusyon ng kasong ito. Dapat talagang managot at magdusa sa piitin ang mga lumustay ng salapi ng bayan na imbes magamit sa pagsugpo ng kahirapan ay pinagpiyestahan ng mga tiwaÂling opisyal sa pamahalaan.