PATI pala sa Department of Agrarian Reform (DAR) ay may mga “buwayang†hayok sa pork barrel.
At kakaibang klase ng mga “buwaya†ang namumugad sa DAR. Kakaiba kaysa namatay na si “Lolong’’. Si “Lolong†kapag stressed ay walang ganang kumain. Hindi katulad ng mga “buwayang†nasa DAR na walang kabusugan at lamon nang lamon. Ang mga buwaya sa DAR ay halos kaparehas na ng mga “buwaya†sa Customs, Public Works and Highways, Immigration at BIR.
Lumutang ang mga “buwaya†sa DAR kaugnay nang iniimbestigahang pork barrel scam na ang “utak†ay si Janet Lim-Napoles. Hindi lamang pala mga PDAF ng mga senador at congressmen ang napakinabangan ni Napoles kundi pati ang Malampaya funds. Ang Malampaya funds ay galing sa kita ng mina ng langis sa Malampaya, Palawan at nakalaan sa mga magsasakang benipisyaryo ng DAR.
Subalit nabuking na hindi pala sa mga benepisÂyaryo napupunta ang Malampaya funds kundi sa account umano ni Napoles. Ayon sa whistleblower na si Merlina Suñas, nasa P900 million na Malampaya funds ang napunta sa account ni Napoles. Ayon kay Suñas, siya ang naghahawak ng account ng mga pekeng NGOs na nakikipagtransact sa mga taga-DAR para makakuha ng pondo. LumaÂlabas na may mga kontak sa DAR ang tauhan ni Napoles para madaling maayos ang transaksiyon. Umano’y ang isang mataas na opisyal ng DAR ay may koneksiyon sa network ni Napoles.
Marami namang magsasaka ang sinabing wala silang natatanggap na tulong mula sa mga NGOs na sinasabing nakakuha ng pondo. Maraming magsasaka sa Bulacan at Eastern Samar ang nagÂsabing walang dumating sa kanilang mga gamit pangsaka o fertilizer sa kanilang pananim.
Maraming kakutsabang opisyal at empleado sa DAR ang itinuturong “utak†ng pork barrel scam na si Napoles. Ang mga buwayang ito ang dapat hulihin at kasuhan. Ikulong ang mga ito kasama ang mga senador at congressmen. Kapag naikulong ang mga ito, mababawasan ang galit na nadarama ng mamamayan.