BIGLANG nag-iba ang ihip ng hangin nang mismong ‘boyfriend’ ng nagrereklamo’y may ginawa para subukang ilaglag sila.
Nung Miyerkules itinampok namin sa aming pitak ang nangyari sa noo’y 17 anyos na si “Analyn†(‘di tunay na pangalan).
Lahat ng akusasyong binato dito sa kagawad sinagot niyang lahat. May mga testigong ring nagbigay ng salaysay para pabulaanan ang reklamo laban sa kanila. Isa na rito ang boy ni JonJon. Si Marvin Madlangsakay, ‘boyfriend’ ni Analyn.
PARA SA ISANG BALANSENG pamamahayag, base sa isinumiteng Pinagsamang Kontra-Salaysay ni Kagawad Senando “JonJon†Pasion ng Brgy. 363, Zone 37-Sta.Cruz, Manila at asawa nitong si Rowena sa Prosecutor’s Office para kasong Verbal & Psychological Abuse in Rel. to RA 7610 (Child Abuse) na sinampa laban sa kanila--nilagdaan ika-9 ng Oktubre 2012.
Ika-22 ng Agosto 2012, sila ni Rowena’y nakaroon ng pagtatalo kina Mary Ann Navarro (tiyahin ni Analyn) at lola ni Analyn na si Norma Navarro dahil narinig nilang sinasabihan ni Mary Ann si Marvin na kanya daw kinakapatid at katiwala sa tindahan na, “Ano patay gutom, habang buhay ka na lang katulong. Mahiya ka naman! Umalis ka na dito sa palengke, pati mga amo mo nadadamay sa’yo.â€
Tinanong ni JonJon si Mary Ann kung bakit ayaw nilang tigilan si Marvin? Sumabat naman si Norma at sinabing, “O, bakit mayabang kayo porket ang asawa mo ay kagawad na bobo, tanga at walang pinag-aralan. Nakatuntong lang sa kalabaw akala mo kung sino na!†Narinig daw ito ng mga tao sa palengke. Patunay daw sa pangyayaring ito ang sinumpaang salaysay ni Marvin.
Sa Sinumpaang-Salaysay ng Pagtestigo ni Marvin ika-09 ng Setyembre nasabing taon, nung nagkita sila nung Setyembre 18 naitanong niya kay Analyn kung bakit niya nirereklamo ang amo ng Child Abuse. Ang sagot daw nito, “Wala kong magagawa dahil utos ni lola at wala din ako magagawa dahil nakikitira lang kami ng tatay ko sa kanila. Baka palayasin kami ‘pag di ko sila sinunod.â€
Binawi din ni Marvin ito matapos magbigay muli ng Sinumpaang-Salaysay na pumapanig naman sa biktima. Nagulat na lang daw siya ng sinabi ni JonJon na pirmahan niya ang salaysay na ginawa nila at pinasama siya sa City Hall para humarap sa prosecutor. “Tinakot ako ni kagawad. Wag daw akong umimik basta kailangan ko daw pirmahan ang salaysay. Sinabihan nila kong sisingilin nila ako sa nasirang motor nila kung ‘di ko pipirmahan. Sasaktan daw nila ako kapag ‘di ako simunod.â€--- laman ng salaysay
Nabasa na lang daw niya ang kabuuan ng nasabing salaysay nung mabigyan sila ng kopya ni Analyn kaya’t binabawi niya ang naunang pahayag.
Taliwas naman ito sa kontra-salaysay na sinumite ng mag-asawang Pasion, ayon dito, narinig ng biyenan ni JonJon na si Virginia Soliva ang panlalait ni Norma sa kagawad kaya’t pati siya nakisali. Mabilis ang naging palitan ng salita,
“Wag kayo magmayabang kung presidente ng Germany natanggal samantala ang manugang mo ay isang bobong kagawad lang!†sabi daw ni Norma.
Nakarating kay JonJon ang pangyayari. Bilang kagawad pumunta siya sa palengke at umawat. Dumiretso sila sa ‘barangay hall’. Naabutan niya dun si Kagawad Rosalia Hernandez (nagbigay rin ng sinumpaang salaysay ng pagtestigo). Nagkaroon ng paghaharap ng araw na iyon at nagkaayos daw sila.
Hindi raw totoong pinaparinggan nila si Analyn ng mga masasakit na salita. Taga ibang brgy. daw ito at ‘di nila nakikita. Ni minsan ‘di daw sila nagkaharap.
Ika-19 ng Agosto 2012, ‘fiesta’ sa kanila at maaga pa lang pinatawag na daw sila ng mga opisyales na sina SK Chairman, Kagawad Marlon Cosio at Treasurer Rochel Barican dahil sila ang nakatoka sa palaro. Habang ang asawa niyang si Rowena ay abala sa pagluluto. (Nagpatunay daw dito ang Pinagsamang-Sinumpaang Salaysay ng Pagtestigo ng mga naturang opisyales). Hindi raw nila nakita si Analyn nung fiesta.
Away palengke lang daw ito. Ayon sa salaysay ni Analyn, naiinggit sila sa tinda ng kanyang lola at tita. Maliwanag na away pambarangay lang ito at ginamit lang daw si Analyn dahil ito’y menor de edad para bumigat ang demanda laban sa kanila. Hindi rin naman daw para mainggit sila dahil magkaiba sila ng binibenta.
Pinagtataka rin nila kung bakit ‘di ang ama o lola ni Analyn ang nagsama sa bata sa pulis…si Marietta Calapis pa na ‘di nila alam kung totoo ba niyang lola.
Imposible daw ang binibintang ni Analyn dahil ‘di niya ito nakikita sa lugar nila. Nagpatunay dito ang mga kapwa ‘vendors’ na sina Josephine Miranda, Celia Antienza, Jonante Apuli at Gerardo Mangalindan mga testigo rin.
Ika-29 ng Oktubre 2012 naglabas ng ‘resolution’ si Asst. City Pros. Connie P. Alvaro-Dimaculangan. Pinuntos ng taga-usig na lumalabas na dati ng may alitan sa pagitan ng akusado at nag-aakusa subalit hindi nakitaan ang kaso ng elemento ng Child Abuse para ito’y maiakyat sa Korte. Hindi nakapagpakita ng pruweba sina Analyn na nagkaroon ito ng psychological trauma maliban sa sumasailalim ito sa ‘psychiatric evaluation’ na ‘di man lang naipaliwanag kung para saan. Ang mga salitang sinabi nila Pasion ay papasok sa kasong Oral Defamation at hindi makokonsiderang makakaepekto sa normal na paglaki ng isang bata. Slander at ‘di Child Abuse ang dapat kinaso. Hindi ito dumaan sa barangay kaya ‘dismissed’ para sa “ground of prematurityâ€.
Nagsumite sila ng Motion for Reconsideration (MR). Sa resolusyon ni Asst. City Pros. Marilou T. Villanueva, ika-25 ng Hulyo 2013… ‘DENIED’ ang MR ‘for lack of merit’. Maging ang kasong Physical Injury, Grave Threat at Malicious Mischief…na-‘dismiss’ rin ika-15 ng Pebrero 2013 sa ginawang resolution ni Fourt Assistant City Prosec. Francisco Salomon. Hindi rin kasi nagawang magsumite nila Norma ng Certificate to File Action (CFA).
Ito ang dahilan ng pagpunta nila sa amin. Itinampok namin sila Analyn sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang mga kasong sinampa nila Norma na may mababang parusa ay dapat munang dumaan sa barangay at kinakailangan ng CFA bago maiakyat sa Prosecutor’s Office. Ang mga kasong pambarangay ay kailangang idaan sa lupon---ayon sa Katarungang Pambarangay under RA. 7160 at hindi pwedeng ‘direct filing’. Pagdating naman sa kasong Child Abuse, ‘di basta-basta hinahanapan ng taga-usig ng ‘probable cause’ ang mga kasong ito para maiakyat sa korte. Masusing tinitingnan kung insidente ba ay nakaapekto o makakaapekto sa isang bata sa kanyang paglaki. Nagdulot ng depresyon at pagbabago sa kanyang ugali. Para lubusang tulungan sina Analyn pinapunta namin sila kay Atty. Pearl Cabrera para sila’y asistehan.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Magtext sa 09213263166(Dahlia), 09213784392(Carla), 09198972854 (Monique).O tumawag sa 6387285 / 7104038
Hotlines: 09213263166, 09198972854 Tel. Nos.: 6387285, 7104038