^

PSN Opinyon

Pagsigaw ng saklolo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

World Suicide Prevention Day pala ang Setyembre 10 ng bawat taon. Ayon sa datos, isa sa apat na Pilipino ang nakararanas ng matinding depresyon bawat taon. At dalawa hanggang tatlo sa 100,000 Pilipino ang nagpapakamatay dahil dito. Iba’t iba ang dahilan ng depresyon.

Una ay problema sa pera. Sino nga ba ang matutuwa kapag may problema sa pera? Maaaring kulang ang pambili ng pagkain, gamot, matrikula at iba pa. O kaya’y baon na baon na sa utang dahil sa maling paggamit ng credit card, gastos sa sakit at dahil sa sugal.

Pangalawa ay ang problema sa kalusugan. May mga may malulubhang sakit na kahit may pantustos sa gastusin ay tinatamaan pa rin nang matinding kalungkutan. Marami akong kilalang nagpapa-dialysis na kahit may pambayad ay tinatamaan pa rin nang matinding kalungkutan dahil maraming bawal. Mga na-eenjoy noon na hindi na talaga puwede, tulad ng pagkain at pagbiyahe.

Pangatlo ay mga problema ng puso. Napakalawak niyan­. Awayan, selosan, namatayan, hiwalayan, kataksilan, kalungkutan. Ilang pagpapakamatay ang nabalitaan ko na may kinalaman sa mga problema sa puso. Ayon sa isang psychiatrist, mahalaga sa pagpigil ng mga nagtatangkang magpatiwakal ay ang mapansin kaagad ang mga indikasyon na dumadaan na sa matinding depresyon ang tao. Kapag biglang tumahimik, wala masyadong kinakausap, walang ganang kumain at hindi na lumalabas ng bahay, baka lumalalim na ang depresyon. Kailangang matukoy ang problema, at bigyan ng suporta kaagad. May mga gamot para sa depresyon, pero mas magiging epek­tibo kapag may suporta mula sa mga mahal sa buhay at kaibigan.

Malaking bagay ang may nakakausap siya, para makapaglabas ng saloobin.

Kadalasan ang mga indikasyon nang ma­tinding depresyon ay ang kanyang pagsigaw ng saklolo. Kaya kung walang makapansin, natutuluyan.

May kasabihan nga na ang mga talagang gustong mamaalam na sa mundo ay ang mga wala nang kinakausap. Mahirap ang depres­yon, dahil hindi lang ang maysakit nito ang nahihirapan, kundi mga taong mahalaga sa kanyang buhay.

vuukle comment

AWAYAN

AYON

DEPRESYON

ILANG

KADALASAN

KAILANGANG

PILIPINO

WORLD SUICIDE PREVENTION DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with