Claim ng China sa karagatan, dala lang ng kapritso, yabang
TATLONG punto ang inilahad ni Justice Antonio Carpio nu’ng Agosto, sa forum ng Philippine Bar Association tungkol sa “nine-dash line†claim ng Tsina sa buong South China (West Philippine) Sea:
- Unang inilabas ng Tsina ang claim nu’ng 1948, sa ilalim ng gobyernong Kuomintang, na kumokolapso sa rebolusyong komunista, at patalilis na sa Taiwan. Hindi nila iginiit ang claim. Binuhay lang ito ng mga komunista nu’ng 2009, nang lumalakas na ang kanilang Navy.
- Mula 18th century nakaguhit na sa mga mapa ng daigdig ang Scarborough Shoal, inaangkin ng China sa ilalim ng nine-dash claim, na bahagi ng Pilipinas. Dekada-’50-’90 nagpapraktis doon mambomba ang mga eroplano at barko ng Amerika at Pilipinas. Hindi kumibo ang Tsina.
- Walang batayan sa kasaysayan o international law — kapritso at yabang lang — ang nine-dash claim. Pruweba: nang una itong ilabas ng Tsina, 11-dashes ang nasa mapa ng karagatan, tapos ginawang nine dashes, at nitong 2013 ay naging ten na — dagdag ang isang kuwit para saklawin ang Taiwan.
Sumalungat ang batang abogadong third secretary ng Chinese embassy sa Manila, na nasa audience. Aniya, maraming punto ng pagkakaibigan ang Beijing at Manila, kaya hindi dapat pag-awayan ang maliit na Scarborough. At sang-ayon kuno ang China claim sa UN Convention on the Law of the Sea.
Kabulaanan! Hindi totoong kaibigan ang Tsina. NakikiÂpagkalakal nga siya sa Pilipinas, pero ninanakawan niya ito ng teritoryo, kaya hindi maari pagÂtiwalaan.
At kung sang-ayon nga sa UNCLOS ang China claim, bakit hindi nito sagutin ang demanda ng Pilipinas sa UN arbitration tribunal?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umagaÂ, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest