^

PSN Opinyon

Magaganda’t seksing livelihood ladies sa Kongreso naglaho nang makulong si Napoles

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang naglahong parang bula ang mga magaganda at seksing livelihood ladies sa House of Representatives?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Dr. Noel Lacsamana, Jana Banana ng DZRH, Atty. Eddie Jara, SVP ng SSS Mindanao at Atty. Rusty Vigilia ng NBI.

Alam n’yo bang hindi na nakikita ngayon sa Kongreso ang mga magaganda at seksing livelihood ladies na tauhan ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles?

Ang mga seksing livelihood ladies ay nag-aalok ng pekeng proyekto sa mga kongresista upang kumita nang malaki mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Mistula silang salesladies ni Napoles na hinihikayat ang mga tiwaling kongresista na pumirma sa ghost projects at ang kita ay kanilang paghahatian ng 50-50.

Ang mga seksing livelihood ladies ay inireklamo na noon ng mga miyembro ng congressional spouses sapagkat nagmimistulang first class prostitutes sa Kongreso. Nakakaabala rin sila kapag may session dahil tinitingnan ng mga kongresista habang nakadisplay sa gallery.

Sa katunayan, alam din pala ng mga misis ng mga kongresista na kapag naisara ang kontrata na iniaalok ng mga ito ay kasama rin sila sa package. Ang mga seksing livelihood ladies ay puwedeng itake out ni Congressman.

Ayon pa sa aking bubwit, ilan sa livelihood ladies ni Napoles ay naging siyota ng ilang matutulis na kongresista.

vuukle comment

AYON

DR. NOEL LACSAMANA

EDDIE JARA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JANA BANANA

JANET LIM NAPOLES

KONGRESO

MARCOS JR.

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with