Magkaalaman na
ANG EDSA Tayo “prayer rally†ay isa na namang oportunidad para sa mga naiinis at naaasar nating kababayan na ipahayag ang kanilang damdamin laban sa korapsyon sa pamahalaan. Hindi lamang civil society groups ang nandoon ngayon sa EDSA shrine. Maging ang mga alagad ng simbahan ay makikilahok bilang pakikiisa sa mga tunay na biktima ng abuso ng kapangyarihan, ang mga mamamayan – they who “religiously†pay their taxes. Imbes na serbisyo ng gobyerno ang sinusuportahan, sa luho lang pala ng pulitiko napupunta.
Hindi masisisi kung ang bulkan ng galit ng tao ay sasabog na. Sa paniwalang nasusupil na rin ni P-Noy ang mga kawatan, pinilit din ng lahat na sumunod sa mga istriktong patakaran lalo na ng BIR. Ilang negosyo at propesyon ang sapilitang ipinagbayad ng mga buwis at mga nagtataasang penalties upang maitaas sa tama ng BIR ang kanilang koleksyon. Labag man sa kalooban ay sumunod naman ang mga taxpayer sa pag-akalang kontribusyon na rin ito sa tuwid na daan. Kung kaya napakalaking dismaya para sa lahat ang makaramdam na parang hinudas lang pala tayo ng mga taong dapat ay naglilingkod sa atin.
Sa ngayon, ang galit ng tao ay hindi nakatutok sa mga indibidwal na opisyal kung hindi sa institusyon mismo ng pork barrel na talaga namang nabahiran nang husto sa expose ng mga whistleblower ni Gng. Napoles. Si Napoles ang hindi nakakatakas sa pagkasuklam ng taumbayan.
Napakalaking pagkakataon nito na gamitin ang galit ng tao para sa interes ng may pinanghahawakang kapangyarihan. Gaya na lang ng pinalulutang na pananagutan ng mga oposisyonistang mambabatas na para bang ipa-aako sa kanila ang lahat ng kasalanan ng Kongreso sa PDAF. Ang COA na nasasailalim sa kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon ay napapaghinalaan tuloy na isinasalang lang muna ang mga kalaban ng pamahalaan.
Hindi magiging lehitimo sa pananaw ng taumbayan ang anumang hakbang na may bahid pulitka. Sana ay huwag babuyin ng kinauukulan ang pagkakataong ito na magkaalaman na.
- Latest