RUMESBAK yesterday si NBI Director Nonnatus Rojas sa kanyang office para balutin ang kanyang mga gamit at lisanin ang nasabing ahensiya matapos siyang mag-submit ng ‘irrevocable resignation,’ kay P. Noy copy furnish ang kanyang sister sa Lamda Rho Sigma na si DOJ Secretary Leila de Lima.
Napatunganga ang madlang people sa ginawang pagsusumite ng irrevocable resignation ni Rojas dahil yata hindi niya nagustuhan ang pahayag na binitiwan ng palasyo na parang may duda sa National Bureau of Investigation ang ahensiyang kanyang pinamumuguran este mali pinamumunuan pala.
Maraming opisyal ng gobierno kahit ang mga taga - NBI ang humahabol kay Rojas para muling pag-isipan o huwag ng umalis dahil alam ng mga ito kung gaano katuwid ang daan ng director sa kanyang kaharian
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya nga ‘irrevocable resignation’ ang kanyang ibinigay para makuha ang message niya na talagang ayaw na niya dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya nga ‘irrevocalbe resignation’ letter ang ibinigay dahil ayaw na niya dahil kung babalik siya sa utos ng kung sino tiyak katakot - takot na intriga ang ipupukol dito.
Sabi nga, nag - drama pa !
Bilib ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Rojas dahil sa kanyang ginawang pagbibitiw hindi naman kasing ordinaryong public servant ito kaya iba ang kanyang pananaw at prinsipyo sa life.
Sana ang iuupo sa NBI bilang bagong director ay may integridad, hindi kurap, makatao, maka - Dios at ang pinaka-mahalaga sa lahat ay hindi matakaw sa pera este mali intrigador pala.
Abangan.
Nonnie Ferriol ng Abante
BINATIKOS ng grupo Eastern Police District reporters ang isang lespu sa Mandaluyong City na sinasabing nagbanta sa isang lady reporter ng Abante newspaper inside Mandaluyong Police Station. Take note, CPNP Allan Purisima, Sir !
Nag-reklamo si Nonnie Ferriol, ng Abante at opisyal ng Metro East Rizal Press Organization (MERPO) versus kay SPO1 Erickson Buted, imbestigador ng Mandaluyong Police-Criminal Investigation Unit. Paging, NCRPO chief Garbo, Sir !
Sa sumbong ni Ferriol nasa CIU Mandaluyong Police ito para kumalap ng balita at nakita ang pulis na kausap na complainant at ang inirereklamo kaya naman umupo na lamang ito sa isang lugar para hintayin kung anong balita ang makukuha niya.
Nang pumasok sa loob ng presinto si putik este mali Buted pala ay bigla itong nagsalita at sinabi kay Ferriol na ‘gusto mong bang sampalin kita’ nagbigla ang huli dahil wala naman siyang ginagawang kasalanan o anuman para pagsalitaan ng pulis ng ganoon.
Ang mga nakarinig sa mga binitiwan salita ng lepus ay napanganga na lamang samantala ang iba ay natawa naman daw.
Dahil sa pangyayaring pananakot ay nag-reklamo si Ferriol sa nasabing presinto laban kay Buted para mabigyan ito ng leksyon.
Ika nga, good manner and right conduct !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat palagpasin ang ginawa ni Buted kung totoo man ito.
‘sana tuluyan ni Ferriol ang reklamo laban kay Buted para magtanda ito at gumalang sa mga reporter na wala naman ginagawang masama sa kanya.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘mas maganda siguro kung sa Patikul, Sulu muna ito ipadadadala ni DILG Secretary Mar Roxas para makapagmuni-muni si Buted at magsisi.’ sabi ng kuwagong urot.
‘baka naman may crush ito sa lady reporter ?’ tanong ng kuwagong salawahan.
‘aba, ang gaspang naman ng entrada at ugali niya ?’
Abangan.