UMIINIT ang isyu ng supply at presyo ng bigas.
Inamin ng pamahalaan na tumataas ang presyo ng bigas at nagkakaproblema sa supply nito sa ilang lugar ng bansa. Sinabi nito na nasa P1 hanggang P2 kada kilo ang average na rice price hike at pangunahing dahilan nito ay ang pagmamanipula ng ilang negosyante sa pamamagitan ng pagtatago ng bigas at unti-unti lang na pagbebenta nito pero sa mas mataas nang presyo.
Inalmahan naman ito ng mga rice trader at sinabing inepektibo ang sistema ng gobyerno sa naturang usapin.
Ang mga magsasaka naman ay patuloy na inirereklamo ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa kanila at sinasabi rin ng mga ito na lalo silang naghihirap dahil sa polisiyang “rice importation†ng gobyerno. Binatikos din nila ang napaulat na planong pag-import na naman ng gobyerno ng 700,000 metriko tonelada ng bigas sa darating na Nobyembre.
Sa gitna nito ay ang publiko o ordinaryong consumers ang labis na apektado. Base sa ulat, umaabot na sa P5 per kilo ang rice price hike at ang ilan sa uri ng bigas na karaniwang kinokonsumo ay umaabot na ngayon sa P45 hanggang P48 ang presyo kada kilo. Ang panibagong problema sa bigas ay pinangangambahan umanong matulad sa grabeng rice crisis noong 2008 kung saan ay umabot sa napakataas na halaga ang butil at pumipila pa ang mga tao upang makabili nito.
Kaugnay nito, napag-usapan namin muli ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang kanyang panukalang Emergency Rice Reserves Act (Senate Bill 1063) na naglalayong matulungan ang pamahalaan na mas epektibong mapangasiwaan ang rice concerns sa bansa.
Isa sa mga pangunahing probisyon nito ang “regular review and assessment of the national palay and rice situation†na magiging basehan ng paggawa ng kaukulang aksiyon ng pamahalaan hinggil sa usapin.
Nawa ay mabigyan na ng sapat na atensiyon ang naturang panukala at iba pang hakbangin na magtitiyak ng steady supply ng de-kalidad at abot-kayang bigas sa bansa. situation†na magiging ba sehan ng paggawa ng kaukulang aksiyon ng pamahalaan hinggil sa usapin.
Nawa ay mabigyan na ng sapat na atensiyon ang natu-rang panukala at iba pang hakbangin na magtitiyak ng steady supply ng de-kalidad at abot-kayang bigas sa bansa.